Chapter 30

12 3 1
                                    

KEMP'S POV

"Are you sure you will not join them?

Napaangat ang tingin ko kay C.A na abala sa paglagay ng ilang desenyo sa likod ng kotse niya.

May ilang designs na naiwan sila Jayrone kaya kami na ang magdadala sa resort gamit ang kanyang sariling sasakyan.

"No, marami pa akong dapat gawin." Sigurado kong sagot.

Nalagay na namin lahat kaya pinagbuksan ko siya ng pinto sa shotgun seat.

"Are you okey?" Isasara ko na yung pinto ng hawakan niya ang mukha ko at halatang nag-aalala ito.

"Yeah, don't worry." Ngumiti ako.

"Uminom ka ng gamot?" Pahabol pa nito.

"Yes of course."

Umikot ako sa kotse para pumunta sa driver seat. Sumakit na naman kahapon yung ulo ko kaya sinugod ulit ako sa clinic. Pero maayos  nanaman ang pakiramdam ko ngayon kumpara kahapon. Pagkalagay ko ng seatbelt, pinatakbo ko na agad ang sasakyan.

"Oh, I'm expecting that you will buy a new wrist watch, bakit iyan parin ang suot mo?" Tanong nito sa kalagitnaan ng pagmamaneho. Nakatingin ito sa wrist ko.

"Wala akong napili," Paliwanag ko.

Papunta na sana ako sa accessories department ng makita kong andoon si Hannah, nawalan tuloy ako ng gana para bumili. Hindi ko alam pero naiinis pa rin ako sa babaeng iyon dahil kahapon.

"About what happened a while ago, are you mad?"

Nagkasigawan kami kanina dahil sa ginawa niya kaya medyo may tampo siya sa akin. Napalingon ako sa kaniya. Sa totoo lang nagulat din ako sa inasta niya. Naghihintay ito ng sagot habang humawak sa braso ko.

"I'm sorry, hindi ko kas-"

"Hindi mo dapat ginawa iyon." Kalmado kong sambit. Kasabay nito ang pagbitaw niya sa braso ko.

"I was disgusted with her for causing you like what happened yesterday." She pissed.

"Alam ko, pero hindi niya kasalanan ang nangyari kahapon, mali pa rin iyon." Kaswal ko pa rin sagot.

"So, your not mad at her?"

Umiling ako saglit at hindi nagsalita. Hindi ko rin alam kung galit ako sa kaniya basta ang alam ko lang, naiinis ako sa kaniya.

"Are you mad at m-"

"No, hindi ako galit, I mean sa iyo, sorry kung nasigawan kita kanina sa office, mali lang talaga yung ginawa mo sa kaniya. Let's forget about her, please." Lumingon ako sa kaniya ng saglit at ngumiti.

Tumango naman ito at muling tinuon ang tingin sa unahan. Wala akong balak pag-usapan iyon kapag kasama ko si C.A.

Wala na kaming napag-usapan hanggang sa makarating kami sa resort, sumalubong sa amin ang may ari ng resort at ilang team organizer na nauna ng pumunta rito. Nagbigay ng kaunting galak yung may ari bago tuluyang umalis sa harapan namin ni C.A.

Sa labas palang ramdam mo na ang simoy ng hangin na nagbibigay ng ginhawa sa pakiramdam. Napapalibutan ito ng mga kawayan at ilang kahoy na mas lalong nagpapadama ng sariwang hangin. Sinuot ko ang jacket na dala ko dahil lumalamig na rin.

Eksaktong 10:30 pm na ng makarating kami ni C.A, at sa inaasahan kami pa lang na dalawa ang andito pwera sa mga organizers na may hawak ng event na ito. May pupuntahan daw muna sila Jayrone base sa text niya sa akin. Habang yung apat pupunta sa bahay nila Cheska para makiramay.

𝐀𝐗𝐈𝐒 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 (𝐀𝐎𝐌𝐖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon