Chapter 19

68 15 4
                                    

LHIRO's POV

PAGKAPASOK ko ng office, nakita kong nasa loob na si Shesa, binati niya ako bago umupo kaharap ng mesa. Inilapag niya ang laptop at ipinakita niya sa'kin ang mga files na kailangan kong ma-verify today before the operation's meeting by next week.

Isa-isa ko na itong tiningnan. Unang files pa lang umalma na ako sa subrang magulong template. Although hindi naman subrang gulo, pero sa tingin ko subrang magulo talaga!

'Template's for Negative Inventory'

"Revise this!"

'Analysis of IRA'

"Revise this Also!"

'Report presentation!'

"Bullshit! REVISE THIS ALL!"

Kulang nalang maitapon ko ang laptop na nasa harapan ko ngayon. Hindi rin nagsasalita si Shesa, patuloy lang ito sa paglunok at hindi mapakali sa upuan.

Hindi ko na ito inarap bagkus inikot ko ang swiveling chair para tumalikod, baka ano pa ang masabi ko sakanya.

"I want a revise copy this afternoon, Can you?"

"ye---yes sir. Noted po" utal niyang tugon, Alam kong nagtataka ito sa mga ikinikilos ko in a past few days, hindi lang niya magawang magtanong dahil kilala niya ang ugali ko.

Hindi na ako tumugon at binigyan ko ito ng senyales na lumabas nalang ng office, Narinig ko ang yapak nito palabas ng office kaya humarap na ako. Masyado ko ata siyang napagtaasan ng boses.

'I wonder for someone, someone that i'm thinking since the night we met'

Ibinaling ko ang tingin sa papers na nasa mesa. It's a guidelines for some activities for Inventory related. Halos okey naman ang mga nagawa ng IAD, pasok naman ang basis nila para ma approved ang Memo.

"Sir?"

Napatingala ako sa taong pumasok sa loob ng opisina.
Umarap ako at tiningnan siya ng diretsahan.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong ko.

"Ah.. sorry sir, hindi naman kasi naka--"

"What's my schedule today?" pagsabad ko sa sinasabi niya, mapapahaba pa ang usapan kong pakikinggan ko ang walang kwenta niyang paliwanag.
Her name is Taylor, my new secretary. Hindi ko sana kukuhanin ito pero subrang mapilit si mommy.

"1 meeting in the afternoon for Operation's Manager sir, and other's meeting will be held by tomorrow" 
pagtataranta niyang tugon.

"Okey! you may go"

"Ah.. cge sir, sorry po ulit kanina, kung may kailang--"

"Don't remind me, i know my obligation" pagpuputol ko sakanya. Ang ayoko sa lahat ang pinapaalalahanan ako sa walang kwentang bagay.

"Okey sir, sorry again" malumanay nitong tugon na ikinangiwi ng mukha ko. Saktong isasara na niya ang pinto ng muli akong nagwika.

"Can you please limit your word for sorry? Nakakairitang pakinggan!" pahabol ko sakanya. Tumango naman ito at tuluyan ng lumabas ng office.

'Not all the time, we need to say sorry, It's just only a word but rather, make it an action'

Umayos ako ng upo at huminga ng malalim bago pumirma sa mga papers na nakapatong sa mesa. Hinihintay ko ang tawag ni Mr. Gilbert regarding sa box na pinadala ko sa office niya, hindi pa rin nito ina-approved ang proposal ko with regards for some products that will purchase.

'Is it something wrong for the proposal?'

Pagkatapos ng sandamakmak na paper's. Naisipan kong lumabas ng office para maglibot sa selling area, kailangan kong malibang kahit papano. Nasa tapat na ako ng pinto ng biglang pumasok si mommy.

𝐀𝐗𝐈𝐒 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 (𝐀𝐎𝐌𝐖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon