Chapter11"Sugar"

146 6 0
                                    

*Xyra Pov's*

2 araw akong nagkukulong lang dito sa kwarto, Nag iisa, Walang makasama. Actually sanay naman na akong mag isa eh! Pero nang dumating si Reign sa buhay ko. Hinahanap hanap ko na may kasama.

Napakaduwag ko ba? Dahil pinili kong lumayo kysa mahalin sya?

Napakaselfish ko ba dahil Lahat ng gusto ko nasusunod? At yun ang iwan sya.

Mahalko na sya....

At ayoko masaktan pa, Lalo na kapag mas tumagal pa kami. Baka mas malalim pa, Baka di ko na makaya pag wala sya.

Nasan na kaya sya? Nagtalukbong ako ng kumot at doon nagiiyak.

Bakit kase di ka nagpakita Xyra!!!? Kahit kelan talaga Dakilang TANGA KA Eh! Paninisi sakin ng utak ko.

Palibhasa kase di ikaw yung nasasaktan ISIP! Ang alam mo lang kase magdikta kung anong gagawin nya. Di naman kase ikaw yung NASASAKTAN EH.!

Damn!!! Nakita mo Reign? Nababaliw nako! Napapadyak ako sa higaan ko ng may kumatok.

Napatayo ako at bumaba saamin at sinilip sa CCTV kung sining tao.

Rebecca?

Wait!

Binuksan ko agad ang pinto at saka sya kinausap.

"Your so early!"

Natatawa kong sabi, at saka sya tumaas ng kilay at nagsalita.

"Wag kang Plastik! Alam kong di ka talaga masaya! Makita mo palang ako dito para sayo Eew na!"

"Excuse me? Di ah! "

Pagtatanggi ko.

"Di ako pumunta dito para makipagtalo! Damnit!"

"Ha? Edi ano?"

Napapakamot nako ng ulo ko, Mukhang may kuti na ata ako eh! Hahah.

"I hate obeying my brother but This is LAST. You understand? Now listen."

Lumapit sya sakin at saka nagsalita.

...

" Love him back.. Yeah, Aaminin ko pinapalayo kita sa kapatid ko, Pero diko sinabing ayaw ko sayo. "

Napatingin ako lalo sakanya, halos pagpawisan na sya,

"Pasok ka muna.!"

Anyaya ko, pero


"No! No! I just wanna tell you that, Ngayon ko lang nagkaganyan kapatid ko. *Sob* *sob* And Im really sorry for all things.. "

"Its okay! "

"May gusto magsorry den sayo... "

Nagulat ako nang nakita ko sila Miggs,Kent,Joshua isa isa nilang hawak sila Tiffany, Claire at saka mae.

Whats going on? Bakit andito sila?? Miggy at ...

"Xyra, Sorry!! "

Sigaw ni Mae.

"DINA MAUULIT PROMISE!!*Sob* Sob*

Drama naman ni Tiffany,

"Sorry, Sana mapatawad mo na kami!"

Napakamot ako ng ulo at ngumiti nalang sakanila.

"Sige, Okay lang! "

Lahat sila ay yumakap sakin.

"Salamat! "

Sigaw ni Mae.

"Yann! Nagsorry napo kami!!"

Ha??? Anung pinagsasabi nya-

"Xyra....."

Napatingin ako sa ibang dako at nakita ko si Reign??? O____O

Lumapit sya sakin at may dala syang mga bulaklak, inabot nya ito sakin .

"Bakit ka nandito?"

Kinakabahan kong tanung sakanya, Shit! Kinikilig ako ayoko lang pahalata!

"Dinadalaw yung babaeng pinakamamahal ko, Alam kong laging may nakakasakit sayo at laging umaapi sayo. Pero gusto ko malaman mo, na sa lahat ng pinagdaanan mo nandun ako. Nung mga araw na nag iisa ka, Binabantayan kita, Sorry kung di kita naipagtanggol ng minsan ka ng bastusin ni Jerald. Di mo man nakita ang ginawa ko sakanya, nais kong malaman mo MAHAL NA MAHAL KITA. Kaya kung pwede, maging akin kana talaga? Xyra?"

Wala akong nasabi at niyakap ko nalang sya habang may luha ang aking mga mata.

"I love you more"

Bulong ko sakanya, mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sakin at nagpalakpakan naman si Rebecca, tiffany at iba pa.

When the Bad Boy Meets Ms. LonelyWhere stories live. Discover now