Chapter 42 "Jealousy"

84 3 0
                                    


Xyra Pov's

Bibit ko ang mga shopping bag na ang laman ay ang pabango, damit ng mga anak ko. Its been 2 years, since napalaki ko sila, si Scarlet ay 3 years old habang si Rexner ay 5 years old. Kulot ang buhok ni Scarlet, maputi ito at medyo chubby dahil sa bilugang pisngi at matatabang binti. Bilugan din ang mata niya at ang mga pilik mata niya ay naka curl din. Habang si Rexner Di katulad ni Scarlet, fit ito at may tamang pangangatawan, bilugan din ang mga mata nito at may matangos na ilong. Matangkad din ito at may muscle ang mga braso pano sinanay ng ama na jogging sa umaga tila bonding na nga nila yun dahil halos di narin ako nakakasama  sa sobrang dami ng bawal. Tulad ng Bawal magshort miski mag sando bawal, gusto niya yata mag laging nakajacket kahit tirik ang araw. pano naman ako nun? Heat stroke abot ko nun. HUSTISYA! Anyway natapos ko na silang ikwento.


Sakin naman kasalukuyan akong Fashion Designer habang Computer Science naman si Reign, este mister ko baka mamaya malaman pa nyang di ko sya tinatawag na ganon e yari nanaman ako. Wag kayong maingay guys ah? Kunwari wala kayong nabasa na tinawag ko lang syang reign kahit kasal na kami. AHHAHAHA! 


Babad man sa computer ang mister ko, o yan na ah? still concious pa siya sa health niya, appearance niya kainis nga eh dahil 26 na sya pero napagkakamalang 18 palang sya, hindi lang sya aware  diyan pati sa family niya. Hindi niya nkakalimutan mangamusta sa mama at papa namin, maging sa sarili niyang pamilya.  I stiil  adore him even 5 years na kaming mag asawa, di ko maiwasang mapa isip na di ako nagkamali na pinaksalan ko siya.


"Mama! Ano ba! pupunta lang po kami ni Kuya Rexner sa side at mga cars (itinuro ang mga remote control na kotse) Payagan niyo na po kami!"

Pagmamakaawa ng aking anak  na si Scarlet sabay hugot sa laylayan ng aking palda. Ngumiti ako sakanya at nagsalita.


" Oh sige, basta dont go too far kay mommy ah? andito lang si mommy di aalis kase hinihintay ko si Daddy niyo. (Tumingin ako kay rexner) Bantayan mo si baby, kapag may problema, lapit agad kayo saakin. Naiintindihan mo?"


Tumingin si Rexner na may ngiti saknyang mga mata at sumagot ng


"Opo ma!!"


Ngumiti ako at tumango na senyas na GO sakanila sabay ayos sa belt ng aking palda na noo'y nakababa na dahil sa paghugot ni Scarlet sakin kanina. Kasalukuyan akong nasa tabi ng bilihan ng appliances ng mitsubishi dito sa SM nang may bumangga saakin sa braso. Potek! muntikan ng malaglag ang dala ko tumingin ako sa nangbangga saakin at laking gulat ko si..


"ARIES!????"


Ngumiti sya at nagsalita.


"May nakikita kabang ibang gwapo sa harap mo para di ka makapaniwala na may pogi sa harap mo at si ARIES TO!??"


Tinapik ko ng malakas ang malaki niyang braso, infairness macho ah? kaya pala lakas ng impact sakin kanina! 


"Sira ulo ka talaga! Nagbago lang kulay mo pero pangit ka parin."


Tumawa siya at ginusot niya ang buhok ko na kinainis ko kaya tinapik ko at sumagot..


" Ano ba!? Totoo naman eh! Ilang Gluta na ba nabili mo?"

When the Bad Boy Meets Ms. LonelyWhere stories live. Discover now