1

627 165 139
                                    

Hayley's POV

"KUYAAAAAAAAAAAAA!" sigaw ko sa kakambal kong si Harry.

Sino ba naman 'di magagalit 'pag pinakealaman 'yung diary mo?

Kasi itong kakambal ko ang hilig mangtrip sa'kin kaya lagi akong napipikon sa pinanggagawa niya. Nakakaasar kasi e.

"Balik mo na nga 'yang diary ko! Pakialamero ka talaga!" sigaw ko habang naghahabulan kami sa sala pero ang mokong, panay lang ang ngisi sa'kin.

Sinubukan ko namang kunin iyon sa kaniya pero dahil sa matangkad siya sakin ay nagawa niyang ilayo sa'kin 'yung diary ko.

Anak ng...

"Sa mga nababasa ko,  matagal mo na palang crush si Troy?" nakangising tanong nito sabay tingin sa diary ko.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at pilit na kunin ulit iyon.

"Akin na nga 'yan sabi e!" matigas na sabi ko habang pilit na inaabot 'yung diary sa kamay niya.

"Ok, but in one condition..." sabi nito.

Napatigil ako saglit at napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano naman 'yan ha? Sabihin mo na!" inis na sabi ko at pinilit na kunin ulit pero inilayo naman niya lalo ito sa'kin.

"Ikaw ang magbubuhat ng mga libro at bag ko araw-araw.  Ikaw na rin ang gagawa ng mga outputs at assignments ko. Ano? Deal?" sabi nito sabay ngisi.

"What?!" gulat na gulat kong sabi.

What the?! Bina-blackmail ba ako nito?

"Bakit ayaw mo? Sige. Sasabihin ko kay Troy na crush mo siya." pangtatakot nito sa'kin.

Tiningnan ko naman ito ng masama.

Wala naman akong magawa kundi sundin ang inuutos niya. Baka kasi isumbong pa nitong unggoy na 'to na crush ko si Troy.

Hirap na baka hindi na niya ako papansin pagkatapos niyang malaman ang lahat.

Magkaibigan kasi itong unggoy na 'to at si Troy. Sikat kasi sila sa school dahil sa band group nila.

"Ok fine!" padabog na sabi ko. I rolled my eyes ng makita kong lumiwanag bigla 'yung mukha niya.

"That's my twin." nakangising sabi niya bago binalik sa'kin ang diary.

Sinamaan ko na lamang siya ng tingin bago kinuha iyon.

Kakaasar bwiset!

--

"Oh dalhin mo na ang lahat ng mga 'yan." utos nito sa'kin sabay turo ng mga libro.

Naiyukom ko na lamang ang kamay ko. Baka kasi anytime masusuntok ko ang pagmumukha ng unggoy na 'to.

Sapilitang kong kinuha ang mga librong nasa harapan niya bago nilagay ang mga iyon sa kotse.

Wala na din akong magawa kundi sundin na lang ang lahat ng pinag-uutos nito.

Sarap upakan.

Sumakay na ako ng kotse at sumunod naman ang unggoy na panay ngisi sa'kin.

Wala ngayon ang driver namin, may emergency daw kasi kaya umuwi muna siya sa probinsya nila.

Samantalang mga parents naman namin ay nasa Spain kaya naiwan kaming dalawa kasama ang mga kasambahay.

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon