Hayley's POV
Nang matapos na akong maglagay ng lipbalm ay binalik ko na ito sa bag ko bago tumingin ulit sa salamin.
Ngayon ko lang pala naalaala na ako lang dito mag isa sa cr. Kaya inayos ko na ang sarili ko bago lumabas. Dito ko na lang aantayin si Chelsea.
Umupo ako sa mahabang upuan ng makalabas na ako ng cr. 11: 27 am na pala. Tatlong oras na din pala kami na andito.
🎼Making my way down town, walking fast faces pass and I'm home bound..🎵
Napatingin ako sa phone ko ng magring iyon kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumawag.
Si Chelsea..
[Punta ka dito sa labas ng penshoppe.] sabi nito ng masagot ko ang tawag niya.
Inilayo ko naman ang phone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. ',Langyang babae 'to sakit sa tenga.
"Asan ka ba ha?"
[Andito nga sa labas ng penshoppe. Bilisan mo. May ipapakilala ako bilis!] sabi niya at saka binabaan na ako ng tawag.
Langyang babaeng 'yun. Binabaan ba naman ako ng tawag.
Teka, sino kaya 'yung tinutukoy niya?
Hindi na ako nagpatumpik pa at inilagay ko na ang phone ko sa bag at saka tumayo.
Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako.
"Hayley.." sambit niya ng pangalan ko.
Naging seryoso naman ang mukha ko ng sambitin niya iyon.
"Let me go." seryoso kong sabi at pilit na alisin ang kamay niyang nakahawak sa'kin pero imbes na bitawan niya ako ay bigla niya akong hinila papunta sa kaniya at saka niyakap ako.
Nagulat na lang ako ng gawin niya iyon.
Nakakahiya baka may makakita dito sa'min. Ang dami kayang tao.
Biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko.
Pinilit kong makawala sa yakap niya pero dahil lalaki siya ay di ko magawa dahil sa higpit ng pagkayakap niya sa'kin.
"Please Hayley..kahit ilang segundo lang.." mahinang sambit niya. Kaya hindi na ako napumilit at hinayaan ko na lang siya sa gagawin niya.
Ilang segundo din ay kumalas na siya at saka hinawakan ako sa dalawa kong balikat at tinitigan ako sa mata.
"Please Hayley... Just give me another chance. Magbabago na ako.." sabi niya. Kitang kita ko sa mga mata niya na seryoso ito sa sinasabi niya.
Bigla akong nakaramdam ng inis ng sinabi niya iyon ulit.
Ilang beses na din niyang sinabi sa'kin noon na magbabago na siya pero hindi naman niya ginawa.
Hindi ko na lang pinahalata na naiinis pa rin ako sa kaniya at nanatili akong kalmado.
"Pwede ba Sean? Wag muna ngayon. Andito tayo sa mall. Wag kang magpasikat dito." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)
Teen FictionWhat if, niligawan ka ng crush mo? What if, may feelings ang bestfriend mo sa'yo? What if, nakipagbalikan ang ex mo? Sinong pipiliin mo?