CHAPTER 24
—
Troy’s POV
“See you tomorrow students.” Wika ni Sir Del Monte bago lumabas ng classroom. Tumingin ako sa relo ko, four fifty pa lang pala. Kinuha ko ang bag ko bago lumabas.
“Troy,” Lumingon ako saglit nang marinig ko ang boses ni Harry. “Nililigawan mo ba ang kakambal ko?” Seryosong tanong nito.Humugot ako nang hininga bago humarap sa kaniya. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot.
“Seryoso ka ba sa feelings mo para sa kaniya?” Tanong nito ulit. Tumango ulit ako.
“Alam mo naman na gusto ko si Hayley. Hinding-hindi ko siya sasaktan pare.” Ani ko. Napansin kong tumaas ang isa nitong kilay. “Siguraduhin mo lang Troy, ‘pag iyang kakambal ko sinaktan mo, ako ang makakalaban mo.” Anito. Tinapik ko ang balikat nito.
“Chill Harry. Ipinapangako ko ‘yan sa’yo.” Ani ko saka ngumiti ng bahagya bago binawi ang kamay.
“By the way, hiramin ko muna kakambal mo.” Dagdag ko. Nagkasalubong bigla ang mga kilay nito. “Saan mo naman dadalhin si Hayley ha?” Puno ng pagdududa ang mukha nito.
“Relax Harry, wala akong balak na masama sa kakambal mo okay? Ipapasyal ko lang siya.” Natatawang wika ko. Agad namang nawala ang pagdududa sa mukha nito saka ako tinitigan sa mata.
“Siguraduhin mo lang.” Matigas na pagkasabi nito. Ngumiti ako ng bahagya. “Hiramin mo muna si Hayley ha? Ibabalik ko din siya before 7 o'clock.” Wika ko. Nagpakawala ito ng isang malalin na buntong-hininga saka tumango.
“Sige. Malaki ang tiwala ko sa'yo Troy. Kapag sinira mo ‘yan, I swear, ibabaon ko sa lupa ang pagkakaibigan natin.” Anito.
“Makasalita ka naman pare parang hindi mo ako kilala.”
“Naninigurado lang.” I chuckled.
“Oh sige alis na ako. Iyong sinabi ko ha?” Dagdag pa nito. Tumango lamang ako bago ito umalis sa harapan ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang lumabas ng classroom.
Sumilip ako saglit sa room nila Hayley nang mapansin kong nagsilabasan na ang mga kaklase nito. Inilibot ko ang tingin sa paligid nang makita ko itong nagliligpit ng mga kagamitan sa arm desk niya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko saka siya tinext.
To: Hayley :)
Andito ako sa labas ng room niyo.Pagkatapos ay binalingan ko ito nang tingin. Nakitang kong kinuha nito ang phone niya saka ito tumingin sa direksyon ko. Isang malaking ngiti ang binigay ko sa kaniya.
Ang ganda niya talaga sa suot niyang uniporme. Bagay na bagay talaga.
Kinuha nito ang bag niya bago lumapit sa akin. “A-anong ginagawa mo dito Troy? Kanina ka pa ba?” Kunot-noong tanong nito. Umiling ako. “Kakarating ko lang.” Sagot ko saka bahagyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)
Teen FictionWhat if, niligawan ka ng crush mo? What if, may feelings ang bestfriend mo sa'yo? What if, nakipagbalikan ang ex mo? Sinong pipiliin mo?