Hayley's POV
Sabog ako. Sapat na siguro 'yun na idescribe ko ang itsura ko ngayon. Daming arte kasi itong principal namin. May truth or dare pang nalalaman at iba pang kaartehan kaya alas dos na kami ng madaling umaga natapos. Isang oras lang din ang tulog ko—baka nga hindi nakaabot ng oras. Hindi kasi ako sanay sa ibang lugar na matulog.
Binuksan ko ang zipper ng tent namin at lumabas. Buti na lang at makakalakad na ako ng maayos. Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala na rin si Chelsea sa tabi ko. Asan kaya 'yun? Kami lang kasing dalawa ang natulog sa tent na 'to. Hindi naman pwede na sumabay sa amin sila Troy na matulog dito kasi mga lalaki sila.
Napatingala ako sa matataas na pine trees. Medyo madilim pa ang paligid. Siguro five o'clock pa lang ng umaga?
Biglang nasagi sa utak ko ang nangyari kagabe. Muntik na ako dun sa laro naming truth or dare na 'yan. Nasa akin kasi nakatutok ang bote kaya ayun napili ko ang truth. Ayoko naman kasi ng dare baka hindi ko magustuhan ang iuutos nila sa akin. Buti na lang, si Aidan ang nagtanong at hindi ang unggoy kong kapatid. Magkatabi lang kasi silang dalawa. Siguradong mag-aaway talaga kami nun kapag personalan na itatanong niya. Hindi 'yun titigil hangga't hindi niya ako mabubuking kay Troy e.
Nung tinanong na sa akin ni Aidan ang about sa 'sinong crush ko sa school namin' ay kinabahan ako kagabi ng sobra. Hindi rin ako makatingin ng maayos kay Troy nun baka kasi mahalata pa nila. At salamat sa panginoon kasi naniwala silang lahat na wala akong crush sa school, sinabi kong si Zayn Malik ang crush ko. Hindi naman umangal ang unggoy kagabi sa akin kasi bago pa ako nagsalita ay pinukol ko na iyon ng matalim na tingin.
Nawala tuloy ang iniisip ko ng may narinig akong tumawag sa akin.
"Insan? Gising ka na pala..." Lumingon ako ng marinig ko ang boses ni Chelsea sa likuran. Papunta ito sa gawi ko habang may hawak na dalawang tasa na sa pagkakaalam ko, kape ang laman nun.
"Hindi kasi ako makatulog ng maayos e." Napailing-iling ito na tila nagets ang sinabi ko. Paano kasi e, panay ako balikwas sa hinihigaan namin para lang makatulog pero kahit anong gawin ko, hindi talaga umobra. Samantalang siya naman, todo reklamo kasi hindi daw siya makatulog ng dahil sa ginagawa ko.
"Magkape ka na lang para hindi ka dapuan ng antok mamaya." Anito sabay abot sa akin ng isang tasa. Kinuha ko iyon at uminom ng kaunti.
Pumasok muna kami sa loob ng tent at doon kumain ng almusal. Actually, pandesal at kape lang muna ako. Hindi pa naman kasi ako ginugutom pero si Chelsea, oo. Halatang-halata naman na ilang fried chicken na naubos niya. I think sobra na sa sampu.
Maliban sa amin, gising na rin ang ibang teachers at maaga ring nag-almusal. Napabuntong-hininga ako bago kinuha ang phone ko sa bag at tiningnan ang oras. Five forty-five na pala ng umaga. Unti-unti na ring sumisikat ang araw.
Dumapo ang tingin ko sa malaking tent nila unggoy na malapit lang sa amin. Nakasarado pa ang zipper ng tent at siguro tulog pa ang mga 'yun. Baka napagod kagabi sa pagpeperform. Ilang oras din kasi silang tumugtog.
Wala sa sarili na humikab ako. Marami na ring kape na ininom ko para lang hindi ako makaramdam ng antok pero mukhang hindi tumalab sa akin. Gusto kong matulog kaya lang, 'yung mata ko ayaw pumikit. Baka magmumukha na akong panda nito kapag umuwi na kami ng city. Napasabunot na lamang ako sa buhok ko.
Leche. Gusto ko nang magpahinga.
—
"Aww. Mamimiss ko rin ang place na 'to..."
Ang bilis lang ng oras at pauwi na kami ngayon. Maaga kasi kaming umalis at sabog na naman ang mukha ko. Nangingitim na rin ang ilalim ng mga mata ko dahil tatlong gabi na akong hindi makatulog ng maayos.
"Uy insan!" Wala sa sarili akong lumingon kay Chelsea na nasa likod ko. Ang masayang mukha nito ay pinalitan ng kunot-noo.
"Anyare sa'yo? Mukha kang panda." Hindi ako kumibo at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa bintana ng van. Humikab ako at isinandal ko ang ulo ko sa balikat ng katabi ko.
Matulog muna siguro ako. Mahaba-haba pa kasi ang byahe.
Troy's POV
"Insan, magmomall tayo pagkau—" Hindi na naipagpatuloy ni Chelsea ang sinasabi ng niya ng sinenyas ko ito na tumahimik. Kunot-noo itong napatingin kay Hayley na mahimbing ang tulog sa balikat ko.
"Mamaya na lang muna siguro 'yan Chelsea, tulog pa siya." Mahinang sambit ko. Napakibit-balikat na lamang ito bago umayos sa pagkaupo. Binalingan ko ng tingin si Hayley na tahimik na natutulog. Napatitig ako sa mukha nito at ngumiti ng bahagya.
Nagulat kasi ako kanina na bigla na lamang siyang sumandal sa balikat ko. Halatang-halata na lutang siya kasi hindi na niya napansin na nasa tabi niya ako.
Napansin ko rin na panay siya tulog sa cottage tuwing tatapos kami maglunch. Napagod siya siguro sa maraming activities na pinapagawa ni Mrs. Guillaume.
Hinaplos-haplos ko ang buhok niya dahilan para magising ito. Bigla akong kinabahan ng unti-unti nitong iminulat ang kaniyang mga mata pero agad din nito pinikit at isinubsob pa lalo ang ulo nito sa balikat ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng bumalik na ito sa mahimbing niyang tulog. Hindi ko alam kung bakit ang bilis na lamang ng tibok ng puso ko. Everytime na makikita ko siya, kumakabog ang dibdib ko.
Mahal na ata kita Hayley.
Hayley's POV
"Hayley...gising na." Dahan-dahan akong napamulat ng may humaplos sa pisngi ko. Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng maalala kong nakasandal pala ako sa balikat ni Troy. Mabilis kong inalis ang ulo kong nakasubsob at tumingin sa kaniya.
"Sorry..." Nahihiyang sambit ko at umiwas ng tingin. Medyo nailang kasi ako sa titig niya.
"It's okay. Alam ko naman na pagod ka kaya hinayaan ko na lang." Sinalubong ko ang tingin niya ng ngitian nito ako ng bahagya. Napatitig lamang ako ng ilang segundo sa mata nito ng biglang kumunot ang noo niya.
"May problema ba Hayley?" Nagtatakang tanong nito. Napakurap-kurap ako saka mabilis na umiling. May iba kasi sa mga titig niya. Parang may gusto siyang sabihin.
Baliw. Baka assuming lang ako.
Huli kong napagtanto na nasa school na pala kami. Ilang oras din pala akong nakatulog sa balikat ni Troy dahil sa sobrang antok. Nahiya na tuloy ako sa kaniya.
Bumaba na kami ng van kasabay sina Chelsea. Hindi na lamang ako umangal ng magvolunteer si Troy na siya na lamang ang magbubuhat ng mga gamit ko papasok ng kotse namin. Nagpaalam na rin ako sa unggoy na mauuna na ako sa pag-uwi ng bahay pero hindi niya man lang ako kinibo. Parang gago.
"S-salamat..." nahihiyang wika ko kay Troy ng mailagay na nito ang mga gamit ko sa backseat. Ngumiti ito sa akin.
"Basta ikaw, okay lang." Nakangiting sambit nito. Nagpaalam na rin ito sa akin na aalis na siya. Sinundan lamang ng mga ko ang likod nitong papalayo sa gawi ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago pumasok sa loob ng sasakyan.
"Sus..." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Chelsea na nasa back seat. Nakalimutan ko palang sasabay ito sa akin na umuwi ng bahay. Doon daw muna siya hanggang seven. Nasa Taguig kasi ngayon ang pamilya niya at mamayang gabi pa uuwi ang mga ito.
Magkasalubong ang mga kilay ko ng tingnan ko ang mukha nito na nakangiti.
"Sa tingin ko may crush 'yang si Troy sa'yo." Anito na ikinataas ng isang kilay ko. Ayan na naman ang hindi kapani-paniguradong sabi niya.
"Ewan ko sa'yo d'yan. Hindi ka naman sigurado sa sinasabi mo e." Wika ko.
"Feel ko lang naman." Anito at napakibit-balikat na lamang. Napailing akong humarap ng tingin.
"Tara na po Manong." Utos ko sa driver namin. Binuhay na nito ang makina ng sasakyan at tuluyan na kaming umalis ng paaralan.
—
A/N: excuse muna sa mga errors haha
BINABASA MO ANG
Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)
Teen FictionWhat if, niligawan ka ng crush mo? What if, may feelings ang bestfriend mo sa'yo? What if, nakipagbalikan ang ex mo? Sinong pipiliin mo?