15

307 126 24
                                    

Troy's POV

"Ano ba 'yan nakakasawa nang maghanap." Nabaling ang tingin ko sa kaniya at nakita ko itong napakamot sa ulo.

I secretly smiled. Halata kasi sa mukha niya na naiinip na kakahanap ng bato.

"Konting tiis lang, mahahanap din natin 'yun." sabi ko. Bumuntong hininga na lamang ito at umalis sa gilid ko.

"Saan ka pupunta Hayley? Bawal kang umalis na hindi ako kasama." sabi ko habang pinagmasdan siyang papalayo sa pwesto ko.

"Hindi naman ako lalayo, dito lang ako baka kasi nandito nakalagay ang mga 'yun." sagot nito. Huminto ito sa kinalalagyan niya at tumingin-tingin sa paligid.

Ilang metro lang ang distansya niya sa'kin. Siguro anim na metro.

"Ayun." Tumakbo ito papunta sa malaking puno ng bigla itong madulas.

"Hayley!" sigaw ko at dali-daling pumunta sa kinaroroonan niya.

"Aray! Ang paa ko." reklamo nito sabay hawak sa kaliwang paa niya. Lumuhod ako sa gilid niya at hinawakan ang paa niyang may kaunting sugat.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Umiling lang ito.

"Anong nangyari?!" Napaangat ang tingin ko ng makita si Sean na papunta sa'min.

"Nadulas siya kaya nagkasugat ang kaliwang paa niya." sagot ko. Agad itong pumunta kay Hayley at tiningnan ang sugat nito.

"Kaya mo bang tumayo?" tanong nito sa kaniya pero umiling lang ulit siya.

Aakmang bubuhatin niya ito ng may biglang nagsalita sa likod namin.

"Ako na magbubuhat kay Hayley." Napalingon kaming tatlo at nakita namin si Dylan na papunta sa kinaroroonan namin.

Hayley's POV

"Anong ginawa mo Troy at bakit nagkasugat si Hayley? Pinabayaan mo ba siya?" tanong ni Dylan. Napangiwi ako ng biglang sumakit ulit ang paa ko.

"Teka, dadalhin na kita sa cottage. Lalagyan natin ng gamot 'yang sugat mo." Nag-alalang sabi nito at aakmang bubuhatin ako pero umiling lang ako.

"Baby? Anong nangyari dito?" Napatingin kaming apat kay Stephie na paparating.

"Omg! What happen to you Hayley?!" Natatarantang tanong nito sa'kin at dali-daling pumunta sa'kin

Plastik. Kunwaring concern pero halata naman na nagpapakitang tao lang kasi andito si Dylan.

"Dalhin niyo siya sa cottage! Omg! Nagblebleed 'yung paa niya!" I rolled my eyes at dahan-dahang tumayo. Inalalayan naman ako nina Sean at Troy.

"Thanks." Tipid kong sabi.

"Dumudugo na 'yung sugat mo Hayley. Hayaan mong buhatin kita para hindi ka na mahihirapang maglakad." Pagvovolunteer ni Sean.

"Ako na lang." Sabi naman ni Dylan.

"Baby! Sila na bahala diyan kay Hayley." Reklamo naman nitong si Stephie. Napansin ko rin na medyo nainis ito nang aakmang bubuhatin ako ni Dylan.

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon