5

362 148 47
                                    

Hayley's POV

"Tara na." sabi ni Dylan ng matapos na naming iligpit ang mga gamit.

Tapos na kasi ang class namin at kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa classroom.

Tumango na lang ako at kinuha ang bag saka kami lumabas ng classroom.

Tulad niyang palaging ginagawa 'pag naglakad kami ay inakbayan niya ako.

Napansin ko naman na tinitingnan kami ng mga ibang estudyante.

Pssh.

Hindi na lang namin sila pinansin at pinagpatuloy na lang ang paglakad pero sa kasamaang palad, nakita namin sina Katalina na paparating.

Papansin talaga ang babaeng 'to kahit kailan.

"Lumiko tayo sa kanan." bulong ni Dylan at tumango naman ako sa sinabi niya saka kami lumiko.

"Hey Hayley! Can we talk?" rinig kong boses ni Katalina kaya napahinto kami at lumingon sa kaniya.

"Ano naman 'yan?" sabi ko habang nakakunot-noo.

Ano namang pag-uusapan namin ng babaeng 'to?

"Pwede tayong dalawa lang muna?"

Parang may kutob ako sa babaeng 'to ah.

Tumingin muna ako kay Dylan pero tinanguan lang ako nito.

Alam niya na siguro 'yung ibig kong sabihin.

"Sige na. Hihintayin lang kita dito." sabi niya at ngumiti sa'kin ng tipid. Tumango na lang ako at saka sumunod kay Katalina.

Ano namang kailangan ng demonyitang 'to?

Huminto naman kami sa tapat ng classroom nila unggoy at saka humarap ito sa'kin.

"Ano namang pag-usapan natin ha?" iritang tanong ko.

"Layuan mo nga si Dylan." mayabang nitong sabi sabay taas ng kaliwang kilay.

Napangisi naman ako sa sinabi niya.

Layuan ko daw si Dylan? Nagpapatawa ba 'to?

"Sino ka ba para utusan ako? Nanay ba kita?" ani ko sabay ngisi. Bigla naman itong nainis sa sinabi ko.

"Are you mocking me? Pag sinabi kong layuan mo siya, layuan mo siya!" galit na sabi niya pero tumawa lang ako.

"Ang kapal din ng mukha mo para utusan ako 'no? Fyi, we're bestfriends at pwede ba? Ikaw ang lumayo. May boyfriend kana 'di ba? Mahirap bang makuntento sa isa?" nakita ko namang namula ito sa galit kaya nagulat na lamang ako ng bigla nitong hinila ang buhok ko.

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon