30

111 13 16
                                    

CHAPTER 30

Hayley's POV

“Bye insan. Mauna na ako ha? Hinihintay na kasi ako ni bebe labs sa gate eh.” Paalam ni Chelsea sa akin. Tumango na lamang ako bago ito tuluyang nawala sa paningin ko.

Ako na lamang ang naiwan dito sa tent. Nauna na kasing umuwi sina Nex at Lina. Buti na lang at natapos na ‘yung event ngayon. Medyo nakaramdam din ako ng pagod dahil na rin sa gawain. Marami kasing basura na naiwan sa tent kaya nilinis ko na.

Dumapo bigla ang mga mata ko sa mga regalong nasa gilid. Paano ko mabibitbit ang lahat ng mga ito? Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na hininga.

Kinuha ko ang phone ko sa bag saka hinanap ang pangalan ni Harry. Sasabay na lang ako sa kaniya pauwi. Wala namang ibang tutulong sa’kin magbibit ng mga ito maliban sa kaniya.

To: Harry Unggoy
Saan ka? Sunduin mo’ko dito sa tent.

Pagtapos kong maisend ang text ay ibinulsa ko muna ang phone ko. Napahawak ako bigla nang magvibrate ito kaya tiningnan ko kung sino ang tumawag.

Si Troy pala.

Tumikhim muna ako bago ko ito sinagot.

“Oh napatawag ka Troy?” Tanong ko sa kaniya.

“Nasa tent ka pa ba?” Tanong nito sa kabilang linya.

“Ah oo, bakit naman?” Kumunot bigla ang noo ko nang in-end na lamang nito ang tawag.

Problema nun?

“Hayley,”

“Ay bulate!” Napasigaw na lamang ako nang sumulpot ito sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko para kumalma.

Marahan itong napatawa sa reaksyon ko. “Bakit ka pala naparito?” Tanong ko sa kaniya nang mahimasmasan na ako.

“Mukhang nakalimutan mo ata sinabi ko kanina.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

May sinabi ba siya kanina?

“Ay oo nga pala, sorry pero hindi ako pwede ngayon Troy. Marami kasi akong dala at isa pa napagod ako ngayong araw.” Wika ko nang maalala ko na.

“Ganun ba? Sige hatid na lang kita sa bahay mo.” Pagboboluntaryo nito pero kaagad ko namang tinanggihan.

“Wag na Troy. Sabay din naman kasi kami ni Harry uuwi.” Ani ko.

“Ha? Eh nakasalubong ko siya kanina kasama sina Oliver.” Napatigil ako saglit sa sinabi niya.

“Saan sila pumunta?” Tanong ko.

Napakibit-balikat ito. “Hindi ko alam pero I think maghahang-out sila sa bahay ni Aidan.” Sagot nito.

Kinuha ko ang phone ko nang magvibrate ito.

From: Harry Unggoy
Hindi ako makakapunta diyan. Si Troy na lang ang bahala sa’yo.

Naningkit bigla ang mga mata ko sa message na nabasa ko.

Taenang unggoy na ‘yun walang ibang magawa kundi uminom lang nang uminom. Gusto niya ata isumbong ko siya kina Daddy.

“Hayley,” Naagaw bigla ang atensyon ko nang tawagin ako ni Troy.

“H-ha?” I saw him chuckled.

“So payag ka na na ihahatid kita?” Tanong nito. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon