27

164 26 17
                                    

CHAPTER 27


Dylan's POV

"Happy Valentine's by!" Lumingon ako nang marinig ko ang boses ni Stephie mula sa likod. Kumunot ang noo ko nang makitang may hawak itong bouquet ng rosas. Malawak na ngiti ang sinalubong nito sa akin habang papalapit ito.

"Para sa'yo." Anito sabay abot sa akin. Tiningnan ko lamang iyon. Nang mapansin nito na hindi ko ito tinanggap ay nagulat na lamang ako na niyakap nito ako ng mahigpit.

"Sorry na baby." Anito sa boses malambing. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito saka inilayo.

"Ilang beses ba kita sasabihan na tigilan mo na ako Stephie ha?" Inis kong sambit.

Bigla na lamang umiba ang timpla ng mukha nito. "I hate you!" Sigaw nito sabay tapon sa akin nang hawak nitong bulaklak. Tumakbo ito papalayo sa akin.

Sinundan lamang ng mga mata ko ang bulto nito habang papalayo sa gawi ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.

Palagi na lang niya akong pinipilit na balikan siya. Palagi na lang siyang humihingi ng sorry sa akin sa mga nagawa niya kay Hayley pero inuulit niya pa rin. Nakakasawa na umintindi sa ugali niyang napakatoxic.

Akala ko magbabago na siya gaya ng pangako niya sa akin pero nagkakamali pala ako. Dahil sa ginawa niya, mas pinili ko na lang na tapusin 'yung relasyon namin. Ayokong nakikita si Hayley na sinasaktan ni Stephie. Mas mahalaga ang bestfriend ko kaysa sa girlfriend ko.

Humugot ako nang malalim na buntong-hininga bago umalis. Tumungo ako ng parking area saka binuksan ang pintuan ng kotse bago pumasok. Tiningnan ko muna ang relo ko bago ko binuhay ang makina ng sasakyan.

Ten-twelve na pala. Kailangan ko nang kumilos.

Pinahinto ko ang kotse sa tapat ng flower shop saka lumabas. Pumasok ako sa loob ng shop. Inilibot ko ang tingin nang mahagip ng mga mata ko ang malaking bouquet ng sunflowers. Kinuha ko iyon bago tumungo sa cashier.

"How much?" Tanong ko sa babaeng cashier. "Seven thousand five hundred Sir." Sagot nito. Tumango lamang ako bago kumuha ng pera sa wallet. Pagkatapos ay iniabot ko iyon sa kaniya saka lumabas na ng shop.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumasok na ako ng kotse bago pinaandar pabalik ng paaralan. Nang makarating ako sa labas ng school ay may nakita akong nagbebenta ng mga balloons kaya huminto muna ako at tinawag ang lalaking naghahawak ng mga ito.


"Magkano po ang lahat na iyan?" Tanong ko. "One thousand po Sir." Sagot agad nito. Kumuha ako ng pera sa bulsa saka iniabot iyon sa kaniya.

"Pakilagay na lang po sa likod ng kotse." Utos ko. Binuksan ko ang pintuan ng back seat para maipasok nito ang mga balloons. Nang mailagay na nito lahat ay tumungo na ako ng parking area.

Pagkalabas ng kotse ay binitbit ko ang bouquet at benteng pirasong balloons na nakatali sa nylon. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago naglakad patungo ng grass field.

Ready na ako.

-
Hayley's POV

"Insan!" Napatigil ako saglit sa ginawa ko at lumingon. Nakita kong papalapit itong si Chelsea sa gawi ko na malawak ang ngiti.

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon