29

135 16 18
                                    

CHAPTER 29



Hayley's POV

“You may now kiss your bride.” Puno ng kilig ang napapalibot sa amin sa loob ng tent. Bahagya akong napatawa nang makitang nandidiri itong lalaki sa kaniyang kunwaring bride.

Kahit sina Nex at Vanessa ay napatawa na rin sa reaksyon ng lalaki. Samantalang ang babae naman ay nakasimangot ang mukha. Nagsihiyawan naman ang mga kaibigan nila na nang halikan ng lalaki ang babae sa noo.

“Uy Lexia, bakit ganiyan itsura mo? Hindi ka ba masaya na kinasal na kayo ng crush mo?” Panunukso ng isang kaibigan ng babae. Dumapo ang tingin ko sa babaeng nagngangalang Lexia na ngayon ay nakasimangot pa rin.

“Ewan ko sa inyo.” Mas lalong umasim ang mukha nito ng iwan nito ang kaniyang mga kaibigan. Dali-dali namang sumunod ang mga ito sa kaniya.

“Lex!” Tawag ng mga ito sa kaniya saka siya hinabol. Napatawa na lamang ako sabay iling ng dumapo ang tingin ko sa lalaki.

“Kadiring pangyayari pwe!” Inis na sambit nito sabay hubad ng damit ng pang-groom. Padabog itong lumabas ng tent dala-dala ang mukha nitong hindi maipinta.

“Nakita mo mga mukha nila kanina? Mukhang ewan.” Natatawang wika ni Nex sa amin.

Napailing-iling na lamang ako saka tumungo sa maliit na altar. Niligpit ko ang mga nagkakalat na confetti saka iyon nilagay sa basurahan. Nagwalis rin ako ng ibang kalat upang sa ganun ay malinis tingnan ang tent namin.

“Hayley, may naghahanap sa'yo.” Napalingon ako saglit ng tawagin ako ni Vanessa. Kunot-noo naman akong lumabas ng tent.

“Sino?” Tanong ko sa dalawa.

Nagulat na lamang ako ng biglang may nagtakip ng isang tela sa dalawang mata ko. Natataranta naman akong kunin iyon pero may biglang nagposas ng mga kamay ko.

“Hoy! Anong gagawin niyo?!” Tanong ko sa kung sino man ang nagposas sa akin.

Takte. Ano na namang kalokohan ‘to?

“Wag kang mag-ingay insan.” Kumunot ulit ang noo ko kung sino ang nagsalita.

“Ano na namang gagawin mo Chelsea? Malilintikan ka talaga sa'kin.” Wika ko. Imbes na sumagot ito ay bigla na lamang ako nito hinila sa kung saan man ako nito dalhin.

Nararamdaman ko naman na may isa pang naghahawak sa braso ko kaya silang dalawa na ngayon ang nag-alalay sa akin.

“Saan mo naman ako dadalhin ang bruha ka?” Tanong ko kay Chelsea.

“Tumahimik ka nga insan.” Wika nito na ikinasimangot ko na lamang. May isang mahinang halakhak rin akong narinig mula sa kaniya pati na rin sa kasama nito.

Mamaya ka lang sa akin.

Pagkaraan ng ilang minuto na paglalakad ay huminto ang mga ito dahilan para tumigil rin ako sa paglalakad.

May narinig akong kalas ng isang susi at mas lalong nagkasalubong ang dalawang kilay ko ng may narinig akong bumukas.

Wag niyang sabihin na nasa isang Jail Booth ako ngayon?

Nakahinga ako nang maluwag ng kinuha na nito ang nakataling tela sa mata ko at pati na rin sa kamay kong nakaposas. Medyo hindi ko pa maaninag ang nasa harapan ko dahil malabo pa ang paningin ko.

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon