4

390 157 54
                                    

Hayley's POV

Nagising na lamang ako sa ingay ng alarm clock kaya dahan dahan akong bumangon at pinatay iyon.

5:30 am na pala pero inaantok pa rin ako, anim na oras lang kasi ang tulog ko pero kailangan ko ng maligo para maaga pa akong papasok mamaya.

Kahit labag man sa kalooban ko ay pinilit kong bumangon at kinuha ang tuwalya saka pumunta sa banyo para maligo.

After 10 minutes ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis na ng uniform.

Pagkatapos kong magsuklay ng buhok ay bumaba na ako at pumunta sa dinning table.

"Good morning Mam Hayley." bati ng tatlong maid sa'kin ng bumaba na ako.

"Morning." tanging sabi ko at umupo na sa dinning table.

"Oh? Bakit ganyan ang itsura mo mam? Nagpuyat po ba kayo kagabi?" nag-alalang tanong ni Ate Rose habang nilagyan ng gatas ang baso ko.

Tumango-tango lang ako at nag-umpisa na lang na kumain.

Wala akong ganang makipag-usap. Inaatok pa ako eh.

"Si kuya?" biglaang tanong ko habang nginunguya ang pagkain.

"Masama po daw ang pakiramdam eh. Hindi daw muna siya papasok." napakibit-balikat na lamang ako at pinagtuloy ang pagkain.

Si Kuya Pedro na lang muna siguro ang maghahatid sa'kin sa school.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko agad ang bag ko at saka lumabas na ng bahay.

Paglabas ko ay nakita ko agad ang sasakyan sa harap kaya pumasok na ako sa loob at saka naman kami umalis.

Nang makarating na kami sa school ay bumaba na ako at nagpaalam na kay kuya Pedro.

Medyo nawala na 'yung antok ko.

Nang tingan ko ang relo ko ay napabuntong-hininga na lamang ako.

6:45 am pa lang ngayon, ang aga ko naman masyado.

Napailing na lamang ako at pumasok na sa loob ng campus.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ay nadaanan ko ang band room nila Troy.

Kaya sumilip ako saglit at nadatnan ko siyang nagtutugtog ng gitara habang kumakanta.

"So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans
Holding me closer till our eyes meet
You won't ever be alone
Wait for me to come home

Loving can heal
Loving can mend your soul
And it's the only thing that I know
I swear it will get easier
Remember that with every piece of you
And it's the only thing
We take with us when we die

We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
Times forever frozen still

So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans
Holding me closer till our eyes meet
You won't ever be alone
And if you hurt me, that's ok baby only words bleed
Inside these pages you just hold me
And I won't ever let you go
Wait for me to come home
Wait for me to come home
Wait for me to come home..."

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon