CHAPTER 32
—
Hayley's POV
“Insan, may lipstick ka ba d’yan? Nakalimutan ko kasing dalhin ‘yung sa akin eh.” Sulpot ni Chelsea nang makapasok ito sa cr. Abala naman ako sa paglalagay ng make up sa mukha kaya hindi ko ito magawang tingnan.
Ngayon na kasi ang Senior High School Day kaya nagpe-prepare na rin kami para sa performance namin mamaya. Ilang minuto na lang din ay magsisimula na ang parade.
“Oo, meron. Andiyan sa pink na pouch.” Sagot ko habang ang atensyon ay nasa malaking salamin. Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay inayos ko naman ang magulo kong buhok.
Naglagay ako ng kaunting liptint sa labi para hindi ito magmukhang maputla. Ilang araw na rin kasi na panay ako puyat dahil sa tambak-tambak na activities sa school since malapit na rin ang graduation namin.
“Kinakabahan ako mamaya.” Bahagya akong napatawa sa sinabi nito.
“Kaya ‘yan.” Sambit ko. Kahit ako ay nakaramdam din ng kaba at excitement sa mangyayari mamaya.
Napabuntong-hininga ito bago pinagpatuloy ang paglalagay ng liptint. Nang matapos na kami sa aming ginagawa ay niligpit ko na ang mga kagamitan ko bago iyon nilagay sa pouch.
Lalabas na sana kami ng comfort room ng biglang sumulpot sina Katalina at Stephie sa harapan namin. Nakasuot rin ang mga ito ng costume gaya sa amin.
Napangisi si Katalina ng makita ako sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Akala ko ba nagback out na ang mga ‘to?
“Oh, bakit suot-suot niyo ‘yan? Akala ko ba ayaw niyo nang sumali?” Tanong ni Chelsea sa dalawa.
Itinirik ni Katalina ang kaniyang mga mata nang ibaling nito ang tingin kay Chelsea. “It's out of your concern.” Mataray na sagot nito.
“Nagtatanong lang. Masyado mo namang pinapahalata na ang panget ng ugali mo.” Sabat naman nito sa kaniya. Nakita ko sa mukha nito na bigla itong nainis. Aakmang sasampalin niya ito ngunit pinigilan siya kaagad ni Stephie.
“May araw ka rin sa‘king babae ka,” Aniya. Narinig ko namang tumawa nang marahan itong si Chelsea sabay krus ng dalawang braso.
“Okay. Hindi naman kita aatrasan eh.” Matapang na sambit niya rito.
Bigla namang kumalma ang mukha ni Katalina sa sinabi nito. Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti.
“Matapang pala itong kasama mo Hayley.” Anito saka binaling ang tingin sa akin. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kaya bago pa sila magkasagutan ay hinablot ko na ang kamay ni Chelsea at hinila siya papalabas ng restroom.
Kung away lang naman ang gusto ng dalawang ‘yun, pwes, bahala sila. Wala akong oras para riyan, at isa pa, magsisimula na ang parade kaya dapat nasa labas na ng gym kaming lahat.
“Nako, kung hindi mo lang ako inawat insan baka nakalbo ko na ang Katalina na ‘yun.” Inis na sambit ni Chelsea. Matalim ko itong tiningnan.
“Ano naman makukuha mo kung nakipag-away ka dun?” Pero ang bruha, napakibit-balikat na lang.
Napailing-iling na lamang ako sa tugon nito at binilisan ang paglalakad. Nagtungo muna ako saglit sa locker at doon nilagay ang pouch na hawak ko bago pumunta ng gym.
Nang makarating kami ay nakita namin sa hindi kalayuan si Joey na nakapamaywang. “Saan ba kayo pumunta? Kanina pa namin kayo hinahanap.” Bungad nito nang lumapit kami sa kaniya. Kaagad naman kaming humingi ng tawad.
BINABASA MO ANG
Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)
Teen FictionWhat if, niligawan ka ng crush mo? What if, may feelings ang bestfriend mo sa'yo? What if, nakipagbalikan ang ex mo? Sinong pipiliin mo?