3

398 163 54
                                    

Hayley's POV

"Ms. Rutledge!" napaalerto naman ako ng banggitin ni sir ang apelyedo ko.

Alam kong papalinisin niya din ako ng classroom tulad ng ibang mga estudyante.

"Po?" sabi ko at saka lumapit sa kaniya.

May inabot siyang papel sa'kin kaya napakunot-noo ako.

"That will be your punishment for being late. Research mo 'yang lahat na nakalista diyan and present it to me by tomorrow." sabi niya at biglang nagring ang bell. Nagsilabasan na din mga kaklase ko pati na rin si Sir.

Napatingin ako sa papel na hawak ko. Binuksan ko ito at napanganga na lang ako ng makitang maraming nakasulat sa papel.

Really? Ganito karami irereport ko bukas?

Napasampal na lang ako sa noo.

Ang malas mo talaga Hayley.

"Hayley? Bakit parang problemado ka ata diyan?" tanong ni Dylan sa'kin at saka ako nilapitan.

"Dylan, tulungan mo naman ako sa ireport ko bukas." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Ano ba 'yan?" sabi niya at kinuha sa'kin ang papel na hawak ko. Bumilog ang mata niya sa kaniyang nakita at binaling ulit ang tingin sa'kin.

"Ganito karaming ipapareport ni sir sa'yo?" sabi niya. Tumango na lang ako at kinagat na lamang ang ibabang labi ko.

"Sige, tutulungan kita dito. Don't worry." sabi niya at nginitian ako.

"Salamat Dylan ah." nakangiting tugon ko.

"Tara alis na tayo para makapagsimula na tayo diyan sa pinapagawa ni sir sa'yo." sabi niya at kinuha ang bag namin bago ako inakbayan.

As always, palagi naman kaming tinitingnan ng mga estudyante.

"Girl, tingnan mo oh. Ang landi naman ng babaeng 'yan." sabi ng isang babae sa kaniyang kasama.

"Mas maganda pa ata ako siguro diyan." sagot naman ng kasama niya.

Tinaasan ko naman ito ng kilay ng madaanan namin sila.

Gusto ata nila ng away dito.

"Wag mo na lang pansinin. Insecure lang mga 'yan." sabi ni Dylan sa'kin. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at tumahimik na lang.

--

Andito kami ngayon ni Dylan sa sala ng bahay ko. Nagpaalam na din siya sa mama niya kanina na dito muna siya hanggang sa gabi. At buti na lang pinayagan siya ng mama niya na dito muna siya magstay.

Nagpaalam na rin ako kay unngoy kanina na mauuna na lang kami ni Dylan sa pag-uwi. Um-oo naman siya. May pupuntahan pa daw kasi siya mamaya kaya hindi muna siya makakauwi ng maaga.

Ewan ko ba kung bakit hindi niya ako kanina inutusan pero mas mabuti na lang 'yun para mapadali 'yung paggawa ko ng research ko para bukas.

Kinuha ko naman ang laptop ko at binuksan ito.

Hayy.

Simula bukas hindi na ako magpapalate, baka mas mahirap pa ang ipapagawa ni Sir sa'kin kung male-late ulit ako. Buti na lang at sa friday pa 'yung deadline na ipinapagawa ng unggoy kong kakambal.

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon