17

267 100 17
                                    

Sean's POV

"Wait lang insan ha, iihi lang ako." Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong boses na nanggaling sa cottage nila Hayley. Agad akong nagtago sa puno na malapit sa kanilang cottage nang makita kong lumabas ang isang babae na sa paghihinala ko, pinsan niya.

Nang malagpasan na ng babaeng iyon ang punong tinataguan ko ay napatigin ako sa gawi ni Hayley. Kumunot ang noo ko ng makita ko itong dahan-dahang naglakad papalabas. Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng maout ko of balance ito kaya agad akong tumakbo para saluhin siya.

Nagtama ang aming mga mata. Nakita ko itong gulat na gulat habang nakatitig sa akin. Napangiti ako ng pahilim habang pinagmamasdan ko ang mukha nito. Ang ganda niya pa rin.

"Ayos ka lang ba Hayley?" Nag-alalang tanong ko. Ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa kaniyang likod bilang alalay  para hindi siya matumba.

"O-okay l-lang a-ako..." Dali-dali siyang tumayo mula sa pagkahawak ko sa kaniya ng bigla ulit itong mawalan ng balanse. At buti na lang ay nasalo ko din siya kaagad.

"Hinay-hinay lang Hayley, alam mo namang hindi ka makalakad bakit ka pa lumabas ng cottage na walang kasama?" Sermon ko pero may halong pag-alala pa rin sa mga boses ko. Umiwas ito ng tingin sa akin.

"M-maghuhugas lang sana ako ng kamay," wika nito. Dahan-dahan itong umayos sa pagkatayo habang inalalayan ko ito. Nahagip ng mga mata ko ang isang silya na nasa gilid niya kaya kinuha ko iyon at dahan-dahan ko itong pinaupo.

Binalingan ko ng tingin ang kamay niyang may dumi ng chichirya kaya nakangiting napailing-iling ako.

"Wait me here." Ani ko at iniwan muna siya. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang lababo. Buti na lang at kaagad ko itong nakita.

Pumunta ako sa kinaroroonan at naghanap ng tabo. Nilagyan ko iyon ng tubig pagkatapos ay pumunta ako sa gawi ni Hayley. Kumunot ang noo nito ng makarating ako habang ang atensyon naman nito ay nasa tabong hawak ko.

"Ano 'yan?" Kunot-noong tanong nito sabay turo.

"Tabo malamang." Seryosong wika ko pero tinapunan lang ako nito ng masamang tingin.

May sinabi ba akong mali?

"Idiot." Mahinang sambit nito pero narinig ko naman.

Sungit. Hanggang kailan kaya mawawala ang sama ng loob nito sa akin?

"Oh, hugasan mo na kamay mo d'yan." Ani ko sabay bigay sa kaniya. Kinuha naman nito sa akin at agad na sinunod ang sinabi ko.

"S-salamat..." Anito ng matapos na. Isang ngiting tipid lang ang tugon ko. Kinuha ko ang tabo sa kamay niya at nilagay muna iyon sa gilid.

"Sige alis na ako. Wag ka d'yan aalis 'pag hindi pa dumating pinsan mo ha?" Ani ko. Umalis na ako sa harap niya at bumalik na sa cottage ko.





Hayley's POV

Sinundan ng mga mata ko ang likod ni Sean habang papalayo na ito sa gawi ko. Sakto naman na paparating si Chelsea.

"Ba't and'yan ka sa pintuan?" Kunot-noong tanong nito bago tumungo sa akin.

"A-ah wala..." Sagot ko. Tumayo ako ng dahan-dahan ng makaramdam na naman ako ng sakit sa kaliwang paa ko.

"Uy... dahan-dahan lang insan." Anito ng inalalayan ako.

"Umalis lang ako saglit tapos nandito ka na nakaupo sa pintuan? Kaloka ka ha." Napabuntong-hininga na lamang ako. Nang makaupo na ako sa mahabang upuan ay humarap ito sa akin.

"Ikaw talagang babae, magpahinga ka muna d'yan." Anito. Tumango lang ako sa sinabi nito at sinunod iyon.

"Insan? Gumising ka na."

"Huy!"

"Hayley, gumising ka na. Magstastart na 'yung banda nila Troy."

Napamulat ako nang niyugyog ako sa balikat ni Chelsea.

"Gising na. Mag-ayos ka na, magstastart na ang banda." Anito. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong oras na ba?"

"Five thirty na ng hapon girl." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

Dalawa at kalahating oras ako natulog? Ambilis naman ata ng oras.

Bumangon ako mula sa pagkahiga. Kinuha ko sa bag ko ang salamin ng mapansin ko na naniningkit pa rin ang mga mata ko. Siguro napagod ako sa byahe namin kanina. Madaling araw kasi ako bumangon. Excited kasi masyado itong si Chelsea. Alas tres pa lang ng madaling araw nasa labas na siya ng bahay, tss.

"Iwan muna kita dito ha? Magseselfie lang muna ako sa labas." Anito at iniwan akong mag-isa dito. Napansin kong unti-unti ng dumilim ang paligid. Kinuha ko ang phone ko ng makitang wala itong signal.

Oo nga pala, nasa bundok pala kami. Nakalimutan ko na naman.

Hinalukat ko ang loob ng bag ko. Buti na lang nakapa ko ang maliit na pouch ng makeup materials ko. Suklay, liptint, sanrio, pulbos, at eyeliner lang ang laman nito. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga eyeshadow at iba pa. Mas okay na kasi 'yung simple lang. Unlike kina Katalina na mukhang coloring book ang itsura.

Nang matapos na akong umayos ng itsura ko ay kinuha ko na ang phone ko at tumayo. Buti na lang at hindi na masyadong masakit ang paa ko kumpara kanina.

"Tara na insan..." Ani ko kay Chelsea ng makalabas na ako ng cottage. Panay pose ito habang hawak ang phone niya.

Napansin ko rin ang ingay ng drum ni Troy mula dito.

"Hindi na masakit paa mo?" Tanong nito ng binaling na niya ang atensyon sa sa akin. Bumaba agad ang tingin nito sa paa ko. Tumango lamang ako bilang sagot.

"Great! Tara na!" Masiglang sabi nito bago ako hinila papunta sa kinaroroonan ng ingay. Napangiwi na lamang ako dahil medyo mabilis ang lakad niya.

"Hinay-hinay lang..." Ani ko. Nagpeace sign lang ito sa akin.

"Oh, look who's here..." Napahinto kami sa paglalakad ng marinig namin ang boses ni Katalina mula sa likod. Lumingon ako at nakita ko itong nakacross-arm habang ang atensyon ay nasa paa ko.

"Aww...pity Hayley." Anito na kunwari naaawa sa akin kapag kuwan ay pinalitan iyon kaagad ng isang malaking tawa. Napatawa na lang din ng pilit ang mga kasama nito ng mapansin niyang siya lang ang mag-isang tumatawa.

"Ikaw na bruha ka! Tigil-tigilan mo nga pinsan ko!" Binalingan ko ng tingin si Chelsea ng makita ko ang mukha nitong galit na galit.

"Hayaan mo na sila insan. Mga papansin lang 'yan. Tara na." Ani ko at hinila siya papalayo sa impaktang iyon.

"Naghanap pa ng kakampi. Eww!"

"Hindi pa tayo tapos Katalina!" Habol nitong si Chelsea bago kami tuluyang umalis. Napailing-iling na lamang ako.

Baliw talaga itong pinsan ko. Mainit palagi ang ulo 'pag nakita namin ang Katalinang 'yun.

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon