Hayley's POV
Andito kami ngayon sa covered gym at kasama ang ibang Senior High School students. Ewan ko ba kung bakit kami pinapapunta dito.
"Ok. Good afternoon students!" sabi ng principal namin sa microphone.
"Good afternoon Mam Guillaume!" bati naman ng mga estudyante.
Nakita ko naman sina Katalina at ang tatlo niyang kasama na nasa gilid ng stage na 'di kalayuan sa pwesto ko. Kasama nito si Sean at kanina pa nakatingin sa'kin kaya agad akong umiwas ng tingin lalo na nung tumingin sa'kin ng masama si Katalina.
Lumingon lingon naman ako at hinahanap si Dylan. Kanina pa 'yun sa classroom ah. Sabi niya susunod lang siya pero ngayon wala pa rin siya.
Asan na kasi 'yun?
"I would like to inform all of you that we have Camping this coming Friday!" naghiyawan naman ang mga estudyante sa kanilang narinig.
Excitement ang nakikita ko sa mga mukha nila. Pero ako hindi, hindi naman kasi ako excited sa camping na 'yan.
"Girl! Camping na naman! Excited na akong magiging groupmate si crush." rinig kong sabi ng babae kong katabi.
"Me too! I'm so excited na!" sabi naman ng kasama niya.
Napailing na lang ako at naglakad na lang papapunta ng cr. Hindi ko kinaya 'yung mga ingay at chismis ng mga estudyante. Basta ako ayokong sumama sa camp na yan.
Nang pumasok na ako sa loob ng cr ay may nabangga akong babae.
"I'm sorry miss--Hayley?" napaangat naman ang tingin ko sa babaeng nakabangga ko at nagulat na lang ako ng masilayan ko ang mukha niya.
"Chelsea?!" sabi ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Ako nga Hayley! Waaaaah! Namiss kita insan!" sabi niya at dali dali akong niyakap.
"Teka nga lang.." kumalas ako sa pagkayakap sa kaniya.
"...kailan kapa nandito sa pinas insan?" dugtong ko.
Akala ko kasi nasa Korea siya pa rin hanggang ngayon. Simula kasi nung grade 5 kami, dinala siya ng Mommy niya sa Korea para doon na mag-aral. Naghiwalay kasi yung parents niya kaya sa kanyang ina siya sumama.
"Last 2 weeks lang insan. Sorry kung hindi kita nainform" sabi niya at saka nag-pout. Napatawa na lang ako sa itsura niya.
Hanggang ngayon isip bata pa rin siya.
"Pero infairness ha! Lalo ka ng gumanda Chelsea." sabi ko at tiningnan siya ulit mula ulo hanggang paa.
"Naku 'wag mo nang sabihin 'yan. Matagal na akong maganda 'no." nakangiti niyang sabi at napatawa na lang kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)
Fiksi RemajaWhat if, niligawan ka ng crush mo? What if, may feelings ang bestfriend mo sa'yo? What if, nakipagbalikan ang ex mo? Sinong pipiliin mo?