25

174 38 21
                                    

CHAPTER 25

Hayley's POV

"Break muna for ten minutes." Ani ng class president namin na si Joey. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago lumapit sa gawi ni Chelsea.

Nandito kami ngayon sa gym. Kakatapos lang din namin ng practice sa cheerdance. Hindi kasi kami nakapagpractice kahapon kasi may importanteng pinuntahan si Joey. Siya kasi ang nagtuturo sa amin ng steps sa sayaw. Magaling kasi 'yun pagdating sa ganito.

Umupo ako sa tabi ni Chelsea na busy naman sa pagkakain ng chichirya. Kumuha ako ng isang pirasong Nova na hawak nito na kaagad naman akong tiningnan ng masama. "May sinabi ba akong kumuha ka insan?" Nakasimangot nitong sambit at inilayo sa akin ang kinakain nito. Bahagya akong napatawa. "Ikaw talaga, ang selfish mo pagdating sa mga pagkain." Wika ko. Inirapan lamang ako nito at pinagpatuloy ang pagkain.


Naagaw bigla ang atensyon ko nang makita kong nadulas si Stephie sa sahig. Rinig ko ang tawanan ng mga kaklase namin kaya mabilis itong tumayo mula sa pagkadapa.

"Kanina pa 'yan. Parang tanga, ang sama pa nang tingin sa'yo kasi ikaw ang pinili na bubuhatin nila Dylan at hindi siya. So sad." Natatawang wika ni Chelsea.

Napansin kong matalim ang tingin ni Stephie sa akin at padabog na umalis ng gym.

Anong problema ng babaeng 'yun? Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako pinalit ni Joey para sa stunts. Hindi naman kasi siya marunong nun. Nanginginig kasi ang mga tuhod niya habang binubuhat siya nila Dylan paitaas dahil doon ay nawalan siya ng balanse kaya ayun, nahulog.

"Teka lang, hinanap kita kahapon pero wala ka na sa room niyo. Saan ka pumunta?" Binalingan ko nang tingin si Chelsea. Sinalubong ko ang tingin nitong may pagdududa.

"Wala rin si Troy sa bandroom. Don't tell me na magkasama kayo kahapon?" Nakataas ang kaliwang kilay nito na tila mas lalong nagdududa. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita.

"Hindi ko naman kasi inexpect na—"

"Omg! Umamin na ba sa'yo na liligawan ka niya?!" Masayang sambit nito. Naningkit bigla ang mga mata ko sinabi nito. "Kalma lang insan, hindi pa ako tapos." Nagpeace sign lamang ito sa akin saka nagsenyas na tatahimik na ito.

Kinuwento ko ito sa kaniya ang lahat simula kahapon kay Sean bago kay Troy. Abot-langit naman ang ngiti nito habang nakikinig sa kwento ko. Natameme lang kasi ako kahapon sa pagconfess ni Troy sa akin. Kahit ni bigkas ng isang salita ay hindi ko magawa. Tila may kung anong nakakapagpabagabag sa akin at hindi ko kusang maibuka ang bunganga ko. Luckily, wala namang insidente ang nangyari kagabi sa plaza. Safe din akong inuwi ni Troy sa bahay.

"Hala. Ikaw na talaga insan!" Tili nito. Kaagad ko naman itong kinurot sa tagiliran.

Ang ingay kasi masyado baka marinig pa ni Troy 'yung pinag-uusapan namin dito.

"Tumahimik ka nga insan. Masyado kang maingay." Mahinang sambit ko. Kaagad naman nitong sinara ang bunganga niya. Naagaw nito bigla ang atensyon niya sa bracelet na nasa kamay ko nang bumaba ang tingin nito sa akin.

Sabi kasi ni Troy sa akin kahapon, 'wag na 'wag ko daw ialis sa kamay ko ito. Hindi ko alam kung anong reason pero hindi ko na lang kinontra 'yung gusto niya.

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon