Hayley's POV
Ang bilis lang ng oras at lunes na ngayon. Maaga din umalis sina Mommy at Daddy papuntang airport. Sasamahan pa sana namin sila pero pinigilan kami nila kasi may class pa kami mamaya.
Medyo nalungkot ako kasi ilang araw lang kami nagkasama ng magulang namin. Gusto lang naman kasi nila alamin kung okay lang ba kami dito sa pinas. Pero ang hindi nila alam na ganun pa rin ang ginagawa sa'kin ni Harry.
At ngayon na wala na ulit sila, hindi na ako magtataka kung pagtitripan na naman ako ng kakambal ko. Pasalamat nga lang siya kasi hindi ko siya sinumbong sa parents namin para hindi na lumaki 'yung gulo.
"Hoy! Anong tinutunganga mo d'yan? Sumakay ka na!" matalim ko siyang tiningnan bago pumasok sa loob ng kotse.
Kahit kailan ang badtrip talaga ng unggoy na 'to.
Pumasok na din ito at umupo ng passenger seat at binuhay ang makina. Ako naman ay nasa back seat. Wala kasi akong planong tumabi sa bwiset na 'yan.
Panira ng araw e.
Buong byahe ay tahimik lang kami. Wala ni isa sa'min ang nagsalita. Hindi kami nag-uusap ng pormal kasi hindi naman kami close.
Yung ibang kakambal nga close na close sa isa't isa samantalang kaming dalawa hindi. Nagtataka nga ako kung magkakambal ba talaga kami.
Napadako ang tingin ko sa phone ko ng tumunog iyon.
From: +63912*******
Hi Hayley, saan ka na?
Kumunot ang noo ko sa binasa ko.
Sino kaya 'to?
To: +63912*******
Who's this?
From: +63912*******
It's me, Troy. Andito na ako sa gate. Antayin na lang kita dito;)
Namula bigla ang pisngi ng si Troy pala ang nagtext.
Saan kaya niya nakuha number ko?
Pinindot ko agad ang add to contacts at saka sinave ang number niya.
To: Troy♥
Okay. On the way na ako.
Pagkatapos kong isend ang text ay nilagay ko na ang phone ko sa bulsa ng palda ko at itinuon ang atensyon sa bintana.
Nang makarating na kami ng campus ay pinarada ng unggoy ang sasakyan sa parking area. Nauna akong bumaba at hindi ko na ito inantay kaya nauna na akong naglakad papunta ng gate.
Nakita ko sa 'di kalayuan si Troy na nakaupo sa gate at luminga-linga. Dumapo ang tingin nito sa'kin ng makita niya ako na papalapit sa kaniya.
"Sorry medyo late," mahinang sambit ko at saka tumabi sa kaniya.
"Okay lang," ani niya at ngumiti sa'kin na mala-anghel. Napalunok ako ng tinitigan ko siya sa mga matanniya.
Ang ganda ng kulay brown niyang mata parang chocolate.
BINABASA MO ANG
Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)
Teen FictionWhat if, niligawan ka ng crush mo? What if, may feelings ang bestfriend mo sa'yo? What if, nakipagbalikan ang ex mo? Sinong pipiliin mo?