CHAPTER 19
——Hayley's POV
Napatigil ako sa pagpipindot ng phone ko at lumingon sa pintuan ng kwarto ko nang bumukas iyon. Iniluwa nito si Chelsea saka pumasok sa loob.
"Hindi makakauwi ngayon sina Mommy." Salubong nito. Tumungo ito sa gawi ko saka umupo sa dulo ng kama. Napatingin ako sa mukha nitong bakas ng pagkadismaya.
"Dito ka na lang muna insan. Kaming dalawa lang naman ni Harry dito at mga kasambahay." Nakangiting wika ko. Napabuntong-hininga ito na tumango. Napatigil ito saglit at tumingin sa akin na nakakunot-noo.
"Nasan pala sina Tito? Bakit hindi ko sila nakita? Bumalik na ba sila sa Spain?" Sunod-sunod na tanong nito. Malungkot akong tumango bilang tugon.
"Importante kasi e. Bumisita lang naman sila dito para tingnan 'yung kalagayan namin." Ani ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga saka yumuko. Nakakalungkot lang kasi palagi silang busy sa trabaho. Minsan lang din sila tumatawag sa amin. Nag-angat agad ako ng tingin nang dumapo ang kamay niya sa balikat ko.
"Okay lang 'yan insan. Ganun din naman si Mommy e. Busy siya palagi sa trabaho kaya wala na siyang time na makipagbonding sa amin ni Jessica." Si Jessica ay ang bunsong kapatid niya na nasa edad sampu.
"Eh, nasaan 'yung bunso mo? Sinama ba ng Mommy mo?" Kunot-noong tanong ko.
"Oo. Sinama siya ni Mommy sa Taguig. May appointment kasi siya doon at walang magbabantay kay Jessica dahil pinabakasyon muna ang mga kasambahay namin." Tumango-tango ako.
"Kamusta na pala 'yung Daddy mo? May communication pa ba kayo ngayon?" Tanong ko. Bigla itong napatahimik at umiwas ng tingin na ipinagtataka ko na lamang. Napansin kong umiba ang awra nito. Pinaghalong lungkot at galit. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya na nakayukom na pala ito.
"Chelsea? Okay ka lang ba?" Nag-alalang tanong ko sa kaniya sabay hawak sa pisnge niya. Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng may nakita akong luha sa gilid ng mga mata niya. Agad kong ipinaharap ang mukha nito sa akin at agad ko siyang niyakap.
"Hayley...may ibang pamilya na si Daddy..." Humihikbing wika niya. Nagulat na lamang ako sa sinabi nito at kaagad na kumalas.
"Ano?!" Pinunas muna nito ang mga luha niya gamit ang likod ng palad.
"Nakita ko siyang may kasamang bata nung nakaraang araw, tinatawag siyang Daddy. Nasa edad tatlo o apat na taon na ang bata," Malungkot na wika nito.
"Hindi nga ako makapaniwala. Akala ko mabubuo na ulit 'yung pamilya namin pero hindi na pala." Dagdag pa nito. Mapakla itong napatawa ng mahina.
"Alam na ba 'yan ni Tita Jai?" Si Tita Jai ang pangalan ng Mommy niya. Umiling ito. Humugot ako ng malalim na hininga saka niyakap siya ulit.
"Kaya mo 'yan insan. Magpakatatag ka lang." Mahinang sambit ko sabay hagod sa likod niya. Hindi lamang ito nagsalita at patuloy lang ito sa paghikbi. Agad akong kumalas ng marinig kong may kumatok sa pintuan.
"Mam Hayley at Mam Chelsea, handa na po 'yong hapunan ninyo." Rinig kong sabi ni Ate Rose mula sa labas ng kwarto ko. Tumayo ako mula sa pagkahiga at saka hinawakan si Chelsea pulsohan bago hinila papalabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)
Teen FictionWhat if, niligawan ka ng crush mo? What if, may feelings ang bestfriend mo sa'yo? What if, nakipagbalikan ang ex mo? Sinong pipiliin mo?