Hayley's POV
Andito ako ngayon sa gym kasama si Chelsea na busy naman sa kakapindot ng phone niya. Kaunti lamang ang mga estudyante ang nandirito, at 'yung iba naman ay busy sa mga pakulo nila para bukas."1,2,3..." ani naman ni Troy at saka nag-umpisa na silang tumugtog ng Realized. Ang unggoy naman feel na feel 'yung pagkanta.
Aba. May papikit pang nnalalaman.
Napadako ang mata ko kay Troy na sakto namang nakatingin ito sa'kin. Nginitian nito ako bago binaling ang atensyon sa tinutugtog niya.
Bukas na pala yung camp namin, ready na ang lahat para bukas pero ako naman hindi. Hindi man lang ako nakaramdam ng excitement ewan ko ba.
"Oh insan, canteen muna tayo nagugutom na kasi ako eh." anito ng katabi ko na hindi pa rin inaalis ang tingin sa cellphone. Kaya tumayo ako at tumingin kay Troy at sinenyasan na sasamahan ko lang si Chelsea. Tumango lang ito bago ko hinila ang bruha paalis.
Eh nagugutom na pero ayaw pang tumayo, busing-busy pa kakatext. Sino naman kaya ang katext ng bruhang 'to ang tila kanina pa kinikilig?
"Hoy! Sino 'yang katext mo?" tanong ko at sumilip sa phone niya kaso agad niya itong inilayo sa'kin para hindi ko mabasahan 'yung convo ng katext niya.
"At ano naman kung may katext ako aber?" nakataas-kilay niyang tanong.
Inisnob ko na lang siya at naunang naglakad.
"Bilisan mo na nga lang d'yan." naiiritang sabi ko ng tumigil ako sa paglakad at niligon siya.
Agad itong naglakad papunta sa pwesto ko na hindi pa rin nakaalis ang kilig habang tutok na tutok sa phone niya.
Hay ewan.
Nang makarating na kami ng canteen ay naghanap ako ng bakanteng table at saka doon umupo.
Buti na lang at kaunti lang ang mga estudyanteng tumambay dito. Halos lahat kasi nasa gym.
Si Chelsea naman ay pumunta sa counter para bumili ng kakainin pero panay pa rin kakacellphone.
Dahil sa wala naman ako magawa ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko at saka in-open iyon.
Napakunot ang noo ko ng magtext ulit 'yung unknown number at sa tingin ko si Sean 'to kaya hindi na ako nagdadalawang-isip na basahin. Napataas na lamang ang kilay ko ng mabasa iyon.
From: +63921*******
Tumingin ka sa pinakadulo.
Nang mabasa ko iyon ay agad akong tumingin sa dulo. Hindi nga ako nagkakamali, nakita ko siya na ang lawak pa ng ngiti sabay kaway sa'kin pero inisnob ko lang ito at tinuon na lang ulit 'yung atensyon sa phone ko.
Makaraan ang ilang segundo ay nagvibrate ulit yung phone ko.
From: +63921*******
Sungit.
I rolled my eyes at binalik ko na lang ang phone sa bulsa.
Sakto namang dumating si Chelsea bitbit ang tray na may iba't ibang pagkain tulad ng mamon, cake, piaya, hotdog, spaghetti, at isang malaking baso na laman ay coke.
Seriously? Kaya niya ba 'tong ubusin?
"Oh Hayley, gusto mong kumain? Kumuha ka lang d'yan." ani nya sabay kuha ng spaghetti at kinain iyon.
"Wag na baka kulang pa 'yan sayo." pang-aasar ko na agad niya akong inirapan.
Napailing na lamang ako at kinuha na lang ulit ang phone.
"Oh nag impake ka na ba ng mga gamit mo para bukas?" biglaang tanong nito na agad akong napaangat ng tingin.
"Hindi pa nga e. At tsaka hindi naman ako excited para bukas." sagot ko.
"Nokooo Hoyley ong soyo koyo n'yon. Hindi no ngo ako mokopoghitay." sabi nito habang nginunguya ang pagkain. Halos hindi ko na maintindihan 'yung sinasabi ng bruhang 'to. Pano ba naman nagsasalita habang kumakain.
"Ubusin mo nga muna 'yang kinakain mo bago ka magsalita. Eh hindi ko nga naiintindihan 'yung pinagsasabi mo." ani ko.
Kinuha nito ang baso na may coke sabay lagok. Nang wala ng laman ang bunganga niya ay nagpreno muna ito bago nagsalita.
"Ang sabi ko, excited na ako bukas!!!" kinikilig nitong sabi sabay hampas sa'kin sa balikat.
Aray ha.
"Whatever! Ubusin mo na nga lang mga pagkain mo at umalis na tayo dito." ani ko. Tumaas agad ang kilay nito at saka tumingin sa'kin na tila ba binabasa 'yung nasa mata ko.
"Bakit ka naman nagmamadali aber?" anito sabay kagat ng mamon.
I rolled my eyes at hindi sinagot ang tanong niya. Sakto namang nadaanan ng mga mata ko 'yung gawi ni Sean na ngayon nakatingin sa'kin sabay kindat.
Haggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang babaero na 'yun.
"Aba aba. Kaya pala nagmamadali kasi andito pala 'yung ex." napadako ang tingin ko kay Chelsea na nakangising nakatingin sa gawi ni Sean.
"Heh! Bilisan mo na nga lang d'yan." napakibit-balikat na lang ito na hindi pa rin inaalis 'yung ngisi sa labi.
BINABASA MO ANG
Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)
Teen FictionWhat if, niligawan ka ng crush mo? What if, may feelings ang bestfriend mo sa'yo? What if, nakipagbalikan ang ex mo? Sinong pipiliin mo?