CHAPTER 22
—Hayley's POV
“Mam Hayley, sino 'yung naghatid sa inyo? Ang pogi niya po.” Kinikilig na wika ni Ate Rose nang makapasok na ako sa gate namin.
Dumapo ang tingin nito sa bouquet na hawak ko. “Bigay niya ba 'yan sa'yo Mam?” Dagdag pa nito. Nakangiting tumango ako bago pumasok sa loob ng bahay. Bumuntot naman ito sa akin hanggang sa makarating ako ng sala.
Nadatnan ko ang unggoy na nakaupo sa sofa at nanonood ito ng tv nang bigla itong napatigil nang makita ako. Kunot-noo itong tumingin sa hawak ko.
“Kanino nanggaling 'yan?” Nagtatakang tanong nito.
“Sa poging manliligaw niya po Sir.” sabat nitong sa tabi ko. Gulat akong napatingin sa gawi nito.
“Ate Rose, hindi ko 'yun manliligaw.” wika ko. Kaagad itong nagpeace sign sa akin saka nagpaalam na may gagawin pa ito.
Nabaling ang atensyon sa unggoy nang marinig kong magsalita ito. “Sinong manliligaw na tinutukoy ni Ate Rose?” Nakita kong nagkasalubong ang dalawang kilay nito.
“Hindi ako nililigawan nun.” Wika ko. “Eh, sinong nagbigay n'yan?” Nananatiling nakakunot ang noo nito.
“Si Troy.” Tanging sagot ko at naglakad papuntang hagdan nang magsalita ulit ito kaya napatigil ako. “Kaya pala ginabi kasi nakipagdate pa.” Nakangising wika nito. I just rolled my eyes at umakyat na ng hagdan papunta ng kwarto ko.
Kaagad kong nilapag ang bulaklak sa desk nang makapasok na ako sa loob ng kwarto. Naghubad ako ng damit saka tumungo sa banyo para magshower. Nang matapos na akong magshower ay pinunasan ko ang katawan ko gamit ang tuwalya saka tumungo sa cabinet upang magbihis. Nang matapos na akong magbihis ay napadapo ang tingin ko sa orasan. Pasado alasais na pala ng gabi.
Nabaling ang tingin ko sa bouquet ng mapansin kong may maliit na card na nakaipit sa gilid nito. Kunot-noo kong kinuha iyon at binasa.
Hindi ko ito napansin kanina ah.
Hope you enjoy this day. By the way, thank you for accepting my simple surprise. It feels like worth it lahat ng pinaghirapan ko :)
Bahagya akong napangiti.
Ang sweet din pala ni Troy.
Nakangiting kinuha ko ang rosas saka iyon inamoy. Nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko nang magvibrate iyon kaya kinuha ko iyon saka binasa ang text messages.
Dalawang message pala.
Una kong binuksan ang message ni Troy.
From: Troy🖤
Thank you ulit Hayley sa time. By the way, wag mong kalimutan na kumain ng dinner. Wag kang magpagutom :)Napangiti ako at kaagad na nireplyan siya.
To: Troy🖤
Thank you din sa'yo. I enjoyed :)Pagkatapos kong magreply ay binuksan ko ang isa pang message. Galing ito kay Dylan.
From: Dylan
Pwede ba tayong mag-usap bukas? After lunch.
BINABASA MO ANG
Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)
Teen FictionWhat if, niligawan ka ng crush mo? What if, may feelings ang bestfriend mo sa'yo? What if, nakipagbalikan ang ex mo? Sinong pipiliin mo?