11

328 135 30
                                    

Hayley's POV

''Okay classed dismissed." pagkasabi nun ng professor namin ay naghiyawan agad ang mga kaklase ko.

Tumayo ako at aakmang aalis ng may biglang humawak sa braso ko kaya napatingin ako dito.

"Magtapat ka nga sakin Hayley, iniiwasan mo ba ako?" umiba ang timpla ng itsura ko ng tanungin ako ni Dylan.

Simula kasi ng ihatid ako ni Troy kanina sa room, hindi ko na siya pinansin. Kinakausap niya ako pero dinedma ko lang siya at nagpanggap na lang na hindi ko iyon narinig.

Mas lalo kasi akong naiinis sa tuwing kinukwento nito 'yung mga moment nila ni Stephie. At ang nakakainis, dito na lilipat ng paaralan si Stephie para lang sa kaniya.

Pero may kutob ako d'yan sa babaeng 'yun . Mukha naman siyang mabait pero may iba.

"Anong pinagsasabi mo?" Pagkukunwari ko.

Kaming dalawa na lang pala ang nandito sa room.

"Wag ka ngang ganyan Glynn." nagulat na lamang ako ng banggitin nito ang second name ko. Ibig sabihin nun galit na siya.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" ani ko at saka pilit na kunin ang braso ko pero nagulat na lang ako ng isinandal niya ako sa pader at tinitigan ng malamig.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Simula nung sabado kakaiba na 'yung kinikilos mo.........m-may gusto ka ba sa'kin Glynn?" malamig pa ring sabi nito at tinitigan ako sa mata. Medyo malapit na rin ang mukha niya sa'kin at ilang pulgada na lang ay mahahalikan na niya ako.

Teka, ano daw?

Agad ko siyang tinulak papalayo at nakitang nagulat ito sa ginawa ko.

"A-anong pinagsasabi mo d'yan?"

Naramdaman ko namang lumapit ito sa'kin kaya pinigilan ko ito.

"Diyan ka lang..."

"Ano bang kasalanan ko sa'yo?" mahinang sambit niya.

Hindi ako nagsalita.

"Hayley," ani niya at aakmang lalapit sa'kin.

"Sabing d'yan ka lang." pero dahil matigas ang ulo nito ay lumapit pa rin ito sa'kin at saka niyakap ako.

"Sorry sa mga sinabi ko..." mahinang sambit niya.

"Sabi mo sakin noon na walang lihiman, pero bakit? Ikaw pa 'yung sumuway." inis kong sabi at sapilitang itulak siya pero mas lalo nito akong niyakap ng mahigpit.

"Bestfriend ba talaga kita?" dugtong ko. Tila tutulo ang luha ko ng sabihin kong kataga na 'yun.

Bestfriend ba talaga kami? Kung talagang magkaibigan kami, hindi siya maglilihim.

Bigla ito kumalas sa pagkayap sa'kin at saka tinitigan ako sa mata.

Crush, Bestfriend or Ex? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon