Jealousy of Jung Ilhoon [Episode 9 #Iljae]

43 4 0
                                    



Jealousy of Jung Ilhoon [Episode 9 #Iljae]

"Don't go! Stay with me. Jebal."

***

"Bakit ka ba naiinis sa kanila?" tanong ni Sungjae.

"Basta! Isuot mo lang yang sumbrero, wag mong tatanggalin." sagot ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Para akong tumakbo dahil para akong hinahapo.

"Teka, saan ka nakakuha ng sumbrero eh magkasama tayo mula pakanina?" tanong nya. "Arghh!" aniya at tinanggal yung sumbrero na binigay ko.

"I-isuot mo lang yan!" nauutal kong utos. Naiistress ako sa mga tumititig.

"At bakit?! Ha?! Ha?!" he asked.

"Bes ayun oh ang gwapo." narinig ko mula sa di kalayuan.

"Ay oo ng ang tangkad pa." ani ng kasama nya.

"Whoops! Gwapo alert!" ani ng dumaan na babae.

Kumukulo yung ulo ko. Para akong sasabog sa mga pinagsasabi nila.

"Ayun bes ang sarap ni kuya." aniya at tumawa ng malakas. "Ang laki nya. HAHA"

Hinila ko si Sungjae mula sa kamay at ibinaon ko yung mukha nya sa dibdib ko. "Ayaw kong nababastos ka." Hindi talaga tama yung sinabi nung huling babae. Hindi ako papayag na bastusin nila siya.

"gasps* Couple pala sila." rinig ko sa mga nakapalibot.

Tinulak ako ni Sungjae kaya nakakalas sya sa akin.

"Anong pinagsasabi mo? At tsaka ano naman kung bastusin nila ako? Hindi naman kita kaibigan o ano, tour guide mo lang ako. At tsaka noon akala ko nagiging gentleman ka lang. But isn't your concer's too much?" bumalik lahat ng sinabi ko sakanya. I shouldn't have said something like that.

He walked passed at me.

Hinawakan ko yung kamay nya. He gave me a don't-cross-the-line look. At tsaka nya binawi ang kamay nya at umalis. Hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.

***

Pumasok na lang ako ng hotel pero pagpasok ko wala sya dun.

Ibinagsak ko ang katawan ko na hinanghina sa mga nangyari.

Ibinaon ko yung mukha ko sa unan at sumigaw. Sabay kinusot ko yung kamay ko sa mga kumot. "Stupid! Stupid! Stupid!"

Ipinikit ko nalang ang mukha ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Pagkagising ko madilim na at gabi. Hinanap ko kung nasaan si Sungjae pero hindi pa sya bumabalik.

Nataranta ako kay kinuha ko agad yung cell phone ko at dinial yung cellphone nya.

"The number you-"

"The number you-"

3rd try "The number -"

Asan na kaya yung Sungjae na yun?

Kinuha ko yung jacket ko at lumabas.

Hinanap ko kung saan saan si Sungjae hanggang sa nakita ko siya sa parking lot na may kausap sa telepono.

"Anu kaba ok lang ako hyung!" aniya sabay tawa.

May kung ano saaakin na parang iba yung feeling.

Parang I feel ugh.. I don't know?

"Hahaha!" parang masakit na makita sya na tumatawa kasama ng ibang tao. I feel selfish and thinks about me only.

"I like you." narinig kong sinabi nya. Parang gumunaw yung mundo ko at hirap huminga. Tapos tumawa sya ng malakas. "Saranghae!"

Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko.

Masyadong masakit.

Napagdesisyonan kong bumalik na lang.

***

SUNGJAE'S POV

Kausap ko ngayon si Minhyuk hyung at ikwinento ko ang lahat sa kanya. Lahat ng ginawa namin ni Ilhoon.

"Paano ba ako mag coconfess?" natatawa kong tanong.

"Basta simplehan mo lang at tsaka timmingan mo. Ang akward kapag bigla mong brining up out of the blue."

"I like you." sabi ko sa kanya at tumawa.

"Hindi ganyan dapat sasabihin mo lahat ng nararamdaman mo." Tumawa ako sa kalokohan ko. "Dapat parang ganto, nagustuhan kita dahil sa mga ngiti mo at yung pagiging concern mo.Ganun!" aniya.

"Saranghae!" sabi ko sakanya na parang sya yung taong pagko confess-an ko.

"Baliw Hahahaha! Basta kaya mo yan." ani ni hyung at binaba yung tawag.

"Wala man lang bye bye." bulong ko sa sarili ko.

Pabalik na ako ng napansin ko na papasok pa lang din si Ilhoon sa hotel. San kaya galing yun?

***

Pagpasok ko sa room namin, naka palukbong ng kumot si Ilhoon sa lapag.

Tahimik naman akong pumasok sa banyo.

"Whoo! Kaya mo yan." Inhale Exhale. "I like you." tinitigan ko yung sarili ko sa salamin. "Arghh hindi! "

"Gusto kita, naconfess ako sayo para maka move on na ako agad sayo. Arghhh hindi paniguradong magiging akward ang lah-aaaaattt!"

I washed my face and dry it with a towel. "WhooH!"

Binuksan ko yung pinto ng c.r. pero ikinagulat ko ng nasa harap ko si Ilhoon.

"Sungjae." pagtawag nya saakin.

Sht! Narinig nya kaya ako? Hindi, pabulong lang naman ako sa loob eh. Oh my ghad!

***

Sweet Cafè on vacation.

Sweet Cafè [Iljae Fanfic / BtoB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon