Caramel Machiatto [ Episode 3 #Iljae]
"Moving,moving. Yeah moving mountains"
***
6 years ago...
"Mom, dad, boyfriend ko po si-"
"What? Jung Ilhoon, this is not funny."
"Hoonie anak, please tell mommy this is a joke."
"No mom. I-I kept it for months and I can't hide it anymo-"
"Hon! Bakit mo sinapak si Ilhoon?"
"Isa kang kahihiyan."
"Mr. Jung let me explain."
"You! Ikaw ang dahilan kung bakit nahawa ang anak ko sa kagaya mo. Salot!"
"Dad! Wag mo syang idamay dito."
"Why? Ilhoon, you are the person who knows the most what I'm capable of."
"Hoonie anak, listen to your dad."
"If you don't break up with him this instant, I'll make sure you won't get anything from me."
***
ILHOON'S POV
Hanggang ngayon bakas padin sa aking alaala ang mga pangyayaring iyon.
Lalo na dito sa coffee shop na lagi namin dati pinupuntahan. Kasalanan ko. Kung hindi ko nalang sana pinili ang mana ko, kung hindi sana ako naging makasarili.
Hinding hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko. Dahil sarado na ang puso ko na magmahal ulit. Ayaw ko ng makasakit pa ng iba. At masaktan pa.
Lumabas ako ng Sweet Cafè. Sumakay ako sa kotse kong puti. At nagmaneho patungo sa aking condo.
Nararamdaman kong uulan dahil makulob at kumikidlat. Pagpasok ko sa aking condo lahat puti at kaunting itim lang ang kulay na bumabagay sa klima ngayon.
Pumasok ako ng kwarto para maghubad ng aking sinuot. At kumuha ako ng twalya't pumasok ng kubeta.
Binuksan ko ang shower at hinayaan ko ang aking katawan na makalimot kahit sandali. Ipinikit ko ang aking mga mata nagbabakasakali na hindi ko na muli ito maalala. Ngunit nag kamali ako.
"Ilhoon."
"Let's break-up."
"What?"
"Im sorry."
"You promised me that you'll never let me go no matter what happens and the same goes with me." umiiyak sya habang nagsasalita.
Tahimik lang ako habang gumagala ang paningin ko. Takot na makita ang mga mata nya.
"You're so selfish Ilhoon. Natakot ka, hindi mo ko kayang ipaglaban. Sana umpisa palang nagpa meeting ka para na-orient naman ako. My ghad Ilhoon ang sakit!" patuloy parin ang pagbuhos ng kanyang mga luha.
Tahimik pa din ako. I leved my eyes with him. Ramdam ko ang sakit at hapdi na nararamdaman nya. I know it's my fault. It's all my fault.
"Alam mo ba? Your dad offered me to go to the States and he told me he'll give me a scholarship if ever na tatangapin ko. But you know what? I declined. Mas pinili kita kesa sa pangarap ko, sa kinabukasan ko. Dahil hindi ako mabubuhay na wala ka, But I guess I made a serious mistake."
Minulat ko ang mga mata ko sa takot na makita ko ulit ang kasunod na pangyayari na matagal ok nang pinagsisisihan.
Napaupo ako sa c.r. at niyakap ko ang mga tuhod ko. Kasabay ng bawat pagbuhos ng tubig ang pagbuhos ng aking mga luha.
Dapat...dapat hindi ako naging selfish.
***
SUNGJAE'S POV
Habang nagliligpit ay sumilip ako sa bintana.
Umuulan.
Tiningnan ko yung lamesa sa kabila. Yun yung upuan na lagi nyang inuupuan. Wala sya.
KINABUKASAN...
Tumawag ulit sya sakin kaso nasa bahay na ako kaya nakausap ko na sya ng maayos.
"Hello"
"Hello." ani ng nasa kabilang linya.
"I'm sorry about last time, nasa trabaho kasi ako nun."
"Ah it's okay."
Ngumiti naman ako.
"Are you free today?" tanong nya.
"Ne, waeyo?"
"It's just that ... remember my shirt?" gasps*
"O-oo." sagot ko.
"Let's talk personally. What time are you free?" tanong nya na sobrang casual and it makes me feel nervous.
"Ahh how about 3 pm?"
Ang tagal nya bago sumagot.
"Hmmm, okay." sagot nya. "Meet me at the Florada Resturant, you know that right?"
"Yeah." simple kong sagot.
"Well, let's meet there. Dress well. See you." aniya at binaba ang tawag.
Ang bilis ng tibok ng puso ko kinakabahan ako, feeling ko pupuntahan ako ng inutangan ko at maniningil na sya dahil sobrang laki ng utang ko.
Oh my ghud!
***
Sweet Cafè closed.
BINABASA MO ANG
Sweet Cafè [Iljae Fanfic / BtoB]
FanficAnnyeong Readers and Pinoy melodies! This story follows the romance of Jung Ilhoon a heir of one of the richest company in Korea, and Yook Sungjae a simple part-time worker who's dream is to be an actor. © Mike Vince Llanza 2017 @myNamjoonie