Way Back Home [ Episode 14 #Iljae]

46 4 0
                                    




Way Back Home [ Episode 14 #Iljae]

***

SUNGJAE'S POV

I feel nervous and happy at the same time. May excitement at may kaba. It's just, everything is so perfect and it's like a dream.

Nararamdaman ko yung luha ko sa mga pisngi ko. "Sungjae." ani ni Ilhoon at hinawakan nya yung kamay ko. "You ok?" tanong nya.

I nodded. "Yes. Yes! Finnally makikita ko na din si mama." sagot ko sakanya. "I just feel nervous." dagdag ko.

"Wag ka mag alala. Everything gonna fine hmm. Remember I'm here." pagko-comfort nya saakin.

I smiled at him. Tapos hinila nya yung kamay ko at hinalikan ito. "Thanks." sagot ko.

Tumingin ako sa bintana ng kotse. "Mama." bulong ko.

***

Pagkadating namin sa harap ng hotel kung saan kami nagkausap ni Gang Do-ajjushi, ay agad namin syang nakita.

I literally sprinted towards him. "Ajjushi." humarap sya kung saan ako naroroon.

"Sungjae." aniya. Kinabahan ako sa tono ng pagtawag nya sa pangalan ko.

"A-ajjushi. Waeyo?"

"Sungjae, let's take you somewhere much private." ani ni Ilhoon nang naka sunod na sya saamin.

***

Naupo kami sa resturant na nasa loob ng hotel.

"Kamusta na po kayo ajjushi." panimula ko ng makahinahon na ako.

"Ayos naman." sagot nya. Hindi sya mapakali at parang may bumabagabag sakanya.

"May gusto po ba kayong kainin?" tanong ni Ilhoon.

"Ahh kahit ano okay lang." sagot nya.

Nag order si Ilhoon. At nag usap naman kami ni ajjushi.

"Saan na po kayo nakatira ajjushi? Doon pa rin po ba sa atin? Madami na po bang taon doon?" sunod sunod kong tanong. Tapos dumating ang inorder ni Ilhoon na Kimchi rice na may kasamang dumplings.

"Oo, doon parin ako nakatira saatin, kaso mas kumunti ang mga taong nanirahan doon." sagot nya.

"Eh, kamusta naman po yung asawa nyo? Malaki na po ba yung mga anak nyo?" tanong ko.

Tumingin sya sa lamesa, tulala bago sumagot. "Matagal nang wala ang asawa ko kaya mag-isa nalang ako. Hindi kami magka anak anak kaya ngayon magisa lang akong naninirahan sa bahay."

"Patawad po." ani ko.

"Ani, gwenchanna." sagot nya. Tapos nagpatuloy sya sa pagkain. Ganon din kami.

"Ehh si mama po? Maituturo nyo po ba kung nasaan sya?" tanong ko sakanya.

Ibinaba nya yung chopstick nya at umiwas ng tingin. "Sungjae." humara sya saakin.

Bumibilis ang tibok ng puso ko at parang may masamang mangyayari. Hindi ko alam kung ano, but I have a bad feeling about this.

"Sungjae-ah. Wag kang mabibigla, dahil ..." no, no, no. "wala na ang mama mo."

Wala na ang mama mo.

Wala na ang mama mo.

Wala na ang mama mo.

"P-po?" ani ko. Pakiramdam ko namamasa na yung mata ko. "A-ano pong sabi mo?" pakiarmdam ko binuhusan ako ng mainit na tubig na kumukulo. Parang tinadtad yung puso ko ng sangkatutak na kutsilyo. Pakiramdam ko isang katutak na sako ng bigas ang ibinaon saakin.

"Nabungo sya ng isang truck. Nahagip sya nito." aniya. "Sinubukan pa syang iligtas ng mga doktor pero hindi na nila sya natulungan pa. Nahuli ang driver ng truck na lasing habang nagmamaneho, kaya naman hindi nya nakita ang mama mo." dagdag nya.

W-wala na si mama. Si mama na nag luwal saakin, na kahit madami syang bisyo ay mahal nya padin ako. Hindi ko maintindihan ang lungkot na nadarama ko. Parang tinanggal ang puso ko. Sumasakit ang ulo ko at parang hirap akong huminga. Patuloy pa din ang pagragasa ng aking mga luha sa mata ko. At parang madilim ang lahat ng paligid.

Lahat ng sakit at hapdi parang dala ko. Bakit ang daya daya ng tadhana? Kung kailan na may pagkakataon na ako na makita sya saka pa sya nawala. Ni hindi ko manlang sya nakita sa huli nyang hininga. O kaya natawagan man lang. Narinig ang boses nya sa huling panahon. Bakit ang damot ng buhay?

Yung natitirang pamilya ko wala na. Wala na. Wala. Nag-iisa na lang ako sa malupit na mundong ito.

Patuloy pa din ang pagdami ng luha ko. Pero kahit gaano kadami ang lumabas sa mata ko nandun pa din yung sakit.

"Sungjae-ah." may naririnig akong boses sa kalayuan. Kung saan nasa ilalim ako ng dilim at umiiyak. Yung lugar na parang nasa ilalim ako ng mundo, walang liwanag na nakikita. "Sungjae-ah." palakas ng palakas yung pagtawag saakin. "Sungjae-ah." palapit ito ng palapit. At biglang may kamay na humawak sa balikat ko. "Sungjae-ah!" napalingon ako kung sino yun. Si Ilhoon~

Nakalimutan ko na may tao pa palang handang ibigay ang sarili nya para sakin. Yung taong nasa tabi ko.

"Ilhoon~" I replied. Mas lalong lumakas ang iyak ko.

Niyakap nya ako ng mahigpit. "Wag kang magalala andito lang ako, ha?" humagulgol ako ng iyak.

"Ilhoon-ah"

"Shh andito lang ako hindi kita iiwan, pangako. Sungjae-ah Tahan na."

Iniharap ako ni Ilhoon sakanya. At hinalikan nya ako sa noo.

"Tahan na? Please."

***

Sweet Cafè on vacation.

Sweet Cafè [Iljae Fanfic / BtoB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon