I want to Vacation pt. 1 [ Episode 5 #Iljae]

59 4 0
                                    




I want to Vacation pt. 1 [ Episode 5 #Iljae]

"I'll make your frustrations turn into flutters. I wanna go on vacation now"

***

SUNGJAE'S POV

Pumasok ako ng Sweet Cafè at dumeretcho sa office ng manager ng coffee shop. Magpapaalam ako na pupunta lang ako sa probinsya namin.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko agad si Manager-nim. "E-excuse me po." ani ko.

"Oh! Yook Sungjae!" pagtawag nya sa pangalan ko.

Lumapit sya saakin at hinawakan ako sa balikat. "Alam mo? You can ask anything."

Why is he acting weird? Tumataas ang balahibo ko. "Ahh haha Ahh" I gave an awkward laugh.

"Sungjae, alam kong mahirap ang ibenta ang katawan sa murang-"

"Manager-nim... ahh ano po kasi..."

"Ay!" aniya at tinakpan ang kanyang bibig. "Pasensya ka na hindi ako nag-iisip. Masyadong masakit ang alaalang iyon. Sorry." magsasalita sana ako kaso hindi matuloy tuloy dahil sa kanya. "Ang madilim mong nakaraan ay lihim lang saakin. Alam ko pang teleserye lang ang mga gantong bagay hindi ko alam na totoo pala. Pasensya ka na Sungjae ha?"

"Ayy hindi po."

"Hindi, mali ako." oo nga sabi ko nga. Shut up na lang ako. "Ayy oo nga iho. Ba't ka naparito?" masyado namng makata.

"Ahh! Opo. Eh kasi po, uuwi po akong probinsya para hanapin si mama." sagot ko.

"At bakit? Anong nangyari sa iyong ina?" isa pa at sasapakin ko na tong hinayupak na toh.

"Masyado po kasing personal pasensya na po." bwiset ka hype ang dami mong tanong. "Yun lang po masasabi ko kasi..."

"Naiintindihan ko iho. Siguraduhin mo lang na babalik ka bago ang peak." aniya.

"Talaga po? Maraming salamat po. Ikinasasaya ko ang iyong pag bibigay ng permiso saakin."

"Ay ang bantot masyadong makata." aniya.

HA?! Bwiset ka kanina ang lalalim ng sinasabi mo tapos ngayon sasabihan moko ng mabantot. "Ahh oo nga po. HAHA" Bwiset ka. sana dumami tagyawat mo sa may baba at ilong. "Alis na po ako." Lintik ka gusto na kitang sakalin alam mo ba yun. I smiled.

***

Sa kitchen station ng cafè...

"Sure ka bang iiwan mo si hyung?" sabi ni Minhyuk hyung saakin nang nagpaalam ako.

"Saglit lang ako hyung at saka magdadala ako ng madaming pasalubong." sagot ko habang hawak ang kamay nya.

"Ingat ka ha?!" aniya. Tumango naman ako at aalis na. "Sungae!" sigaw ni hyung. Kaya naman napatigil ako. Nilingon ko sya. "Kung maari gwapo nalang ang ipasalubong mo sakin ha?!" natatawa nyang sabi.

"Sige hyung haha." sagot ko. Hindi ko alam kung bakla ba talaga si hyung kasi, lapitin naman sya ng girlsss. Tatlon 's' yan para pluralses. Sayang kagwapuhan nya.

***

Pumunta ako sa napagkasunduan namin ni Ilhoon. Nag-antay ako ng ilang oras at may pumarada na puting sasakyan sa harapan ko.

Beep beep~ busena nito. Ibinaba nya ang bintana ng kotse at nakita ko ang mukha ni Ilhoon, na naka-SHADES. "Let's go. I'm excited."

"Hindi halata." sagot ko at kinuha ko ang bag ko at pumunta sa sasakyan nya. Lumabas sya at kinuha ang bag ko. Natameme naman ako at hindi makapagsalita. Nilagay nya ito sa likurang bahagi ng kotse. At pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ko alam na sobrang genteldog nya. "Salamat." ani ko.

Sweet Cafè [Iljae Fanfic / BtoB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon