Sweet Cafè [ Prologue#Iljae ]
"Even though you say you want to break up with me, I laugh."
***
Sungjae's POV
Alam kong mali ito. Mali lahat ng ito. Ayaw kong magpadala sa emosyon ko kung ikakasira naman yun ng taong mahal ko.
"Sungjae." ani ni Ilhoon.
Sa tuwing lalapit sya hindi maalis yung kaba. Masakit dahil kahit alam kong mali ito ay parang hindi ko maisip na layuan sya. Pero buo na ang desisyon ko.
"Ilhoon, let's beak up."
Nakakabingi ang katahimikan. Walang ingay ang maririnig. Sa sobrang tahimik ay rinig ko ang puso ko. Ang bawat pagtibok. Ang bawat sakit at hirap para mabuo ko ang tapang na sabihin yun sa harap nya. Mahirap, pero yun ang tama. Yun ang nararapat. Kung sakali man na nagkasala ako alam kong ito ang sagot para itama ko na ito.
Nakita ko sa mga mata nya ang mga butil ng sakit at pagkabigo. Mga palatandaan na hindi nya kaya ang sakit.Ang inipon nyang mga hapdi sa dumaang panahon.
"Ganun na lang ba?" aniya.
Naupo sya at ikinusot ang mukha sa kanyang palad. "Arghhhh!!!" sigaw nya. "Ahh!" patuloy ang bag ragasa ng kanyang mga luha sa kanyag mata.
Kinuha nya ang flower vase at ibinagsak nya ito. Yung bulaklak na iningatan ko mula ng unang date namin. Yung nag sisimbolo ng pag-ibig namin. Marahil katapusan na ng lahat.
Tama ba ang ginawa ko? Diba tama lang? Para sa kanya din ito. Ayoko na babagsak sya kasama ko. Ayos lang sakin na ako nang mahirapan kesa sya ang masaktan. Pero bakit? Bakit parang mali ang desisyon ko? Bakit parang ang selfish ko? Bakit pakiramdam ko kasama sya sa pagbagsak ko? Bakit parang mas nahihirapan at nasasaktan sya? Bakit?
Naramdaman ko nalang sa aking mga pisngi ang luha ko. Totoo pala yun noh? Kahit gaano ka katapang pag naabot mo na ang sukdulan ay ilalabas mo din. Iiyak at iiyak ka din.
Tumalikod ako sa kanya. Hindi ko hinantay ang sagot sa katanungan ko. Mas mabuti na na pigilan ko ang damdamin ko kesa magimg dahilan pa ako ng kasawiaan ng iba.
Marami na akong nagawang mali. Siguro ito na lang ang tamang magagawa ko.
Sorry Ilhoon. I Loved You.
***
Sweet Cafè Now Open
Status:
On-Going
On-Hold
Completed
@myNamjoonie
© Mike Vince Llanza 2017
BINABASA MO ANG
Sweet Cafè [Iljae Fanfic / BtoB]
أدب الهواةAnnyeong Readers and Pinoy melodies! This story follows the romance of Jung Ilhoon a heir of one of the richest company in Korea, and Yook Sungjae a simple part-time worker who's dream is to be an actor. © Mike Vince Llanza 2017 @myNamjoonie