Digging the past [Episode 21 #Iljae]

48 2 0
                                    



***

ILHOON'S POV

"Ahhhh!!! Finally!" I woked up with a bright smile today. Three days is now over. It feels like an enternaty.

Pumasok ako sa banyo at naghanda. Pagkatapos kong maligo at kung ano ano pa ay dumiretcho ako sa kotse dahil pupunta ako sa Sweet Cafè.

"Hintayin moko baby." I was refering to Sungjae. "Makikiss na ulit kita."

Nagdrive ako papunta sa Cafè nang biglang mag redlight. Nagsitawid naman ang mga tao na nasa magkabilang dako ng pedistrian. Pero may isang lalaki ang pamilyar saakin. May kausap sya saa telepono kaya hindi ko masyadong maaninag kung sino.

Kaya hinayaan ko na lang.

Balak daw ako ipakilala ni Sungjae sa hyung nya. Yung katawagan nya sa telepono nung nasa Daegu kami, napaamin ako ni Sungjae na nag selos nga ako. Haysss... Masyadong matinik si baby.

Ilang minuto lang at nakarating na ako. Naupo ako sa dati kong pwesto. Pagdating ko nakita ko yung pamilyar na lalaki sa counter na nakita ko kanina sa pedestrian.

Napakunot ako ng nuo.

"Ilhoon." nalipat naman ang atensyon ko nang dumating na si Sungjae.

"Baby!" ani ko. "Tatlong araw na lumipas pwede na uli kita ikiss."

Hahalikan ko sana sya kaso umiwas sya.

"Bakit? Anong problema?" tanong ko.

"Madaming tao baliw ka ba?" tanong nya saakin. "Saglit lang dadating na si hyung. Pagnapakilala na kita umalis ka na ha?" aniya.

"Eh kung ayaw ko."

"Ahh ano ba, distraction ka kailangan ko magtrabaho." sabi nya saakin.

"Edi pakiss muna." sabi ko sa kanya.

Hinila nya ako sa mas matagong pwesto. Walang anu ano'y hinalikan nya ako kaso smack lang.

Hindi ko mapigilan na kiligin. Pakiramdam ko namumula ako sa puti ko. Tapos parang may kuryente na bumalot sa buong katawan ko. Nakangiti ako parang sira. I feel like I'm on cloud nine. Napaupo ako sa upuan at walang pake sa ibang bagay.

Hinampas ako ng mahina ni Sungjae sa may braso. "Uyy." natatwa nyang pagtawag sakin. "Ba't ka natahimik?" tanong nya.

Mas nilakihan ko yung ngiti ko. "Cute~" sabi ko, Hinawakan ko yung cheeks nya at pinisil. "Ang cute cute mo talaga."

Kahit ilang linggo na kaming on parang unang araw pa din yung relasyon namin. Kinikilig pa din ako ng todo.

Nakangiti lang kaming dalawa sa isa't isa.

Konti nalang pwede mo na kaming tawaging baliw kasi wala naman kaming tiatawanan.

"Teka kelan ba dadating yung hyung mo." pagbasag ko sa sweetness namin.

"Ang tagal nga nya sabi nya- oh ayan na pala sya o."

Ikinagulat ko ang nakita ko. Yung akala ko matagal nang wala parang bumalik ulit. Yung bangungot ng nakaraan. Totoo ba yung nakikita ko?

Yung paglakad nya tulad padin ng dati pati ang tindig nya. Yung bawat galaw, lahat naalala ko pa din.

Nakayuko syang pumupunta samin dahil inaayos nya yung damit nya.

"Hyung bilisan mo," ani ni Sungjae.

Konting hakbang nalang nya nasa harap ko na ulit sya. Hindi ko inakala na magkikita ulit kami. At dito sa kung saan kami pumuunta dati.

Walang nagbago sayo, Minhyuk.

***

Minhyuk's POV

Bwiset yung lalaki kanina nabasa tuloy yung damit ko. Kainis.

"Hyung bilisan mo." narinig ko yung boses ni Sungjae nung papalapit na ako sa pwesto na tinuro nya kanina.

Inangat ko yung ulo ko. Nakita ko si Sungjae na excited na ipakilala niya si Ilhoon. Pamilyar talaga ang pangalang yun.

Tiningnan ko naman yung katabi nya. Pamilyar ddin itsura nya at hindi ko lang alam kung saan ko sya nakita.

Habang pinipilit kong iniisip pakiramdam ko ginigiling yung utak ko. May parang litrato ang lumutang sa isip ko. Isang lalaki na sumisigaw sa kawalan at pangalan ko ang sinisigaw nya. At parang sinuntok yung puso ko sa sakit na nadama ko pero hindi ko alam kung bakit.

Nagpatuloy ako sa paglakad. Nakita ko ang mga mata nya. Pamilyar talaga. Isa na namang litrato ang lumitaw. Isang lalaki na masayang nagbibigay sakin ng sorbetes. At ngayong parang binaril naman ako sa dibdib at hirap akong makahinga,

Nang hina ako kaya napa luhod ako. Paiksi ng paiksi ang paghinga ko. Isa na namang litrato ang lumitaw. Isang pangyayari na tila malinaw. Napaikit ako sa kirot sa puso ko.

"Ilhoon tulungan moko." narinig kong sigaw ni Sungjae.

At isa na namang larawan ang nakita ko sa isip ko.

~~~~

"Ilhoon."

"Let's break-up."

"What?"

"Im sorry."

~~~~

Sumasakit ang puso at isip ko. Hindi ko alam ang mhga nangyayari. Masyadong malinaw ang bawat eksena. Parang teleserye at ako ang bida.

Ramdam ko yung luha sa mga pisngi ko.

***

ILHOON'S POV

Hindi ko alam ang gagawin dahil sa sandaling nakita ako ni Minhyuk parang hindi nya ako makilala.

Hindi ko alam kung sinasadya nya ba yun o kung hindi, di kaya nawalan sya ng alaala nang nabunggo sya at tumakbo ako.

Napatingin ako kay Sungjae na nakangiti, nawala naman ito bigla at tumakbo sya patungo sa direksyon ni Minhyuk.

"Hyung okay ka lang ba?" aniya. "Ilhoon tulungan moko." natumba na pala si MInhyuk sa lapag.

Nakatunganga lang ako dun at hindi alam ang gagawin sa sobrang gulat at kaba.

"Ilhoon?" isang pamilyar na boses ng lalaki ang tumawag saakin.

"Hyunsik-hyung."

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito. Sya yung lalaki na nakita ko sa pedistrian lane. Na naaninag ko kanina.

Tumingin sya sa direksyon ni Sungjae na inaalalayan si Minhyuk.

"M-Minhyuk?" ani ni Hyunsik hyung.

"Naalala ko na ang lahat."

***

Sweet Cafè closed.

Please do Vote, Comment, and Share

Sweet Cafè [Iljae Fanfic / BtoB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon