***
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Nang nasalo ni Minhyuk ang kahoy na ihahampas dapat kay Hyunsik ay agad itong nahimatay. Napansin din ito agad ni Hyunsik. At sinuntok nya ng pagkalakas ang lalaking nakasando na syang humampas kay Minhyuk ng kahoy.
Nilapita ni Hyunsik si Minhyuk para alamin ang kalagayan nito. "Minhyuk. Minhyuk." ani ni Hyunsik habang inaalog si Minhyuk upang magising ngunit hindi ito magising gising.
Bigla namang lumapit ang lalaki na naka jacket na may hawak na gunting. Naalarma naman agad si Hyunsik dahil naglabas na ito ng patalim. Sakto naman na may dumating na police car sa may kinaroroonan nila.
Agad namang tumakbo ang lalaki na may hawak na gunting kasabay ng lalaking nakasando. Naiwan ang lalaking pinagsususuntok ni Hyunsik na walang malay.
"Minhyuk." ani ni Hyunsik nang alam nyang ligtas na sila.
"Ahhh." ani ni Minhyuk na namimilipit sa sakit.
"Sir ayos lang po ba kayo?" tanong ng pulis na rumoronda.
Tumango naman si Hyunsik. "Ako ayos lang pero sya kailangan nya pong dalhin sa ospital." paliwanag nito.
"Sige po, hali kayo. Ihahatid na po namin kayo."
***
Nang makarating na sila sa ospital ay agad na inasikaso ng mga paramedics si Minhyuk.
"Sir, kukunan lang po namin kayo ng statement at hahayaan na po namin kayong bumalik sa kasama mo." ani ng pulis. "Ano po ang pangalan nyo?" pangunang tanong ng pulis.
"Hyunsik po. Im Hyunsik." sagot nito.
***
Matapos ang pagsasalaysay ni Hyunsik sa nangyari ay agad naman itong pumasok sa kwarto ni Minhyuk. Sa isang VIP room.
Naroon nakaupo si Minhyuk na nakatulala sa kawalan.
"Kamusta ka na." tanong ni Hyunsik.
"Bakit mo ko tinulungan?" bwelta ni Minhyuk.
Naupo naman sa silya na katabi ng kama si Hyunsik.
"Hindi ko din alam." mahinang sagot nito.
"Naalala ko na ang lahat."
"Anong tinutukoy mo?" tanong ni Hyunsik kay Minhyuk na dahan dahang humihikbi habang nakatingin sa malayo.
"Ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Ilhoon." sagot ni Minhyuk. Humarap ito sa direksyon ni Hyunsik. "You're so selfish." banat nito dito.
"Siguro lahat naman ng nagmamahal maiintindihan ang ginawa ko."
"And you think tama ang ginawa mo?"
Tumayo si Hyunsik para lapitan si Minhyuk. "I'm sorry. Alam kong hindi tama na isumbong ko kayo sa ama ni Ilhoon para sirain ang relasyon nyo. Hindi din tama na minahal kita kahit alam kong may mahal kanang iba." ani ni Hyunsik at balak nya sanang hawakan si Minhyuk ngunit tinaboy nito ang mga kamay nya.
"You shouldn't have done that. Ikaw ang nakakaalam kung anong sakripisyo ang ginawa namin ni Ilhoon para sa relasyon namin." mangiyak na tugon ni Minhyuk. "Ikaw ang bestfriend ni Ilhoon. Tinuring ka nyang kapatid pero anong ginawa mo? Ikaw ang nagbigay dahilan para magkagalit si Ilhoon pati ang ama nya. Makasarili!"
Lumuhod si Hyunsik kay Minhyuk. "Patawarin mo ko. Pinag sisisihan ko ang mga nagawa ko." ani ni Hyunsik habang umiiyak kay Minhyuk. "Pero hindi ko kaya na hindi ikaw ang sa piling ko." dagdag nya.
Tahimik lang na lumuluha si Minhyuk.
"Please. Give me a chance to love you." pagmamakaawa ni Hyunsik.
"Niligtas mo ang buhay ko." napaangat ng ulo si Hyunsik sa sinabi ni Minhyuk. "Sapat na siguro yun para pagbigyan kita." ani ni Minhyuk. "Alam ko naman na hindi ka masamang tao. Nagawa mo lang yun dahil sa pag-ibig." dagdag nito.
***
MINHYUK'S POV
"Niligtas mo ang buhay ko." napaangat ng ulo si Hyunsik sa sinabi ko. "Sapat na siguro yun para pagbigyan kita." Sapat na para makalimutan ko kung pano ako sinaktan ni Ilhoon. "Alam ko naman na hindi ka masamang tao. Nagawa mo lang yun dahil sa pag-ibig." patawarin moko kung pangagamit man ang tawag sa gagawin ko. Gusto ko lang talaga kalimutan ang lahat ng samin ni Ilhoon.
Tumayo si Hyunsik at bigla akong niyakap. "Salamat. Hindi ka magsisisi sa desisyon mo." aniya sakin.
"Pero wag kang magpadalos dalos." paalala ko sa kanya.
Tumango sya at naupo sa tabi ko. Hinawakan nya ako sa batok at inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Pumikit sya at saktong dumampi ang labi nya sa labi ko.
Nagulat ako sa ginawa nya. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang binalot ako ng kumot na makakapal sa warmth na nadadama ko. Ibang sensasyon ang nadama ko.
Bakit hinahayaan ko syang halikan nya ako? Bakit hindi ako pumoprotesta sa ginawa nya?
Hindi na ako pumilas at pumikit nalang ako. Hinayaan kong malunod ako sa halik ni Hyunsik.
Siguro hindi na ako magpapanggap, hindi na din kita gagamitin dahil totooang nararamdaman ko sayo. Bakit hindi kita mas unang nakilala?
Tumagal pa ang halikan naming dalawa at tila dinala ako sa langit sa sobrang sarap sa pakiramdam. Parang lahat ng sakit na naalala ko ay binaon mo ulit.
Nang kumalas kami sa halikan inilapit ni Hyunsik ang noo nya sa noo ko at ito'y pinagisa. "Saranghae." aniya.
"Nado. Saranghae." sagot ko.
Hinalikan ulit ako ni Hyunsik.
"Sir, magcheche-" nagulat kaming pareho ni Hyunsik nang may dumating na nurse.
Agad naman kaming lumayo sa isa't isa.
Akward~
"Magchecheck-up lang po sa blood pressure." ani ng nurse.
At nang matapos ang check up naagkatitigan kami ni Hyunsik.
At humagulpak kami ng tawa.
***
Sweet Cafè closed.
Please do Vote, Comment, and Share
BINABASA MO ANG
Sweet Cafè [Iljae Fanfic / BtoB]
FanfictionAnnyeong Readers and Pinoy melodies! This story follows the romance of Jung Ilhoon a heir of one of the richest company in Korea, and Yook Sungjae a simple part-time worker who's dream is to be an actor. © Mike Vince Llanza 2017 @myNamjoonie