Confession pt. 1 [ Episode 7 #Iljae]
"I won't make you jelous, I'll make them jelouse of you."
***
ILHOON'S POV
"Welcome to Daegu!" sigaw ni Sungjae nang marating na namin ang Daegu.
"So anuna?" tanong ko sa kanya. Tapos bigla nya akong binigyan ng masamang tingin.
"Tatawid pa tayo sa Hajungdo Island para makita ang Canola Flower Field." paliwanag nya. "Bukas!"
"Okay." I pouted.
"Tara hanap muna tayo hotel. Gabi na baka maubusan pa tayo ng rooms." ani ni Sungjae at pumasok ulit sa kotse.
Pagpasok ko sa kotse, tinanong ko agad sya. "You know, we can sleep together if you want."
"Ha?" taranta nyang sagot. Natatawa talaga ako kapag double meaning yung tanong natataranta sya. Sinasadya ko, for entertainment only. And personally maybe?
"Kung gusto mo lang naman eh." sabi ko. Konti nalang hahagulpak na ako sa tawa.
"Ikaw gusto mo ba?"
I gulped. I focused on the road. Inayos ko yung suot ko dahil na hot seat ako. Nagback fire yung tanong ko.
"Kung gusto mo lang naman eh." he mimicked. Then, mula sa peripheral view ko nakita ko syang tumatawa.
Wooh ang init.
***
Ilang oras din ay nakahanap na kami ng hotel na matutuluyan.
Pumasok kami ng lobby at naghintay na magbook.
"Sir, isang room nalang po ang available. Sorry." ani ng attendant.
"What?! No! Let's take a look at other hotels. Tara." anyaya ni Sungjae.
"Hep Hep!" hinila ko ang kamay nya nang paalis na sana sya. "At sa tingin mo may rooms pa sila? Sungjae ayaw kong matulog sa kotse. Plus ikaw mismong nagsabi kanina, gabi na."
"S-sabagay."
"We'll take it." sabi ko sa teller.
"Teka. I didn't say yes." reklamo ni Sungjae.
"Then, pumunta ka sa ibang hotel at magbayad ka ha?! May 1000 dollors ka diba?" I smiled. At kinuha ang card mula sa teller. Panis high-tech. Caaaaard~
Paalis na sana ako ng biglang tinawag ako ni Sungjae. "Ilhoon!" nakayuko lang sya. "Sige na share na tayo."
"Ang gwapo nung matangkad na lalaki." rinig kong bulong ng teller.
I looked at her skeptically. "Let's go babe." nanlaki ang mata si Sungjae.
"What? Gay sila? Sayang ang gwapo pa naman." narinig ko yung bulong nila. Tulala pa din si Sungjae kaya kinuha ko ang kamay nya at pinag intertwined ang mga daliri namin. Napansin ko naman si Sungjae na namula at nashocked sa nangyayari. Tinititigan nya yung kamay namin.
Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano bang ginagawa ko?
Hila hila ko si Sungjae papuntang elevator. At pagpasok namin ay binitawan ko na sya. Kasing bilis ng kabayo yung kabog ng dibdib ko. INHALE~ EXHALE~ RELAX~
Tiningnan ko si Sungjae at nanlalaki padin ang mga mata nya.
***
Pinababa ko nalang sa service crew yung mga gamit namin sa pinto at binigyan ito ng tip.
Pabalik na ako sa loob ng biglang sumulpot si Sungjae. "What was that?" tanong nya na ikinagulat ko.
"Ha! Aish! Paki inform naman ako kung mangugulat ka." at sinamaan ko sya ng tingin at naupo ako sa kama at kinuha yung phone ko.
"B-Babe?" nilagay nya yung mukha nya sa harap ko. "Do you even like me? Messi? Do you like Messi?"
"Anong pinagsasabi mo?" sagot ko iniiwasan ang mga tanong nya.
"What? Answer me!" sabi nya. Umiiwas naman ako sa kanya.
"JUNG ILHOON." aniya. Iwas lang ako. "Answer me." he stopped. Napatigil din ako. "I'm confused." Ako din. Nalilito din ako sa nararmdaman ko.
"O- o-, o-no." sagot ko. Natahimik sya. May parang regrets sa loob ko. Hindi ko alam kung bakit. Bakit may regrets akong nararamdaman? Bakit I feel down? I don't know.
"Great then." what? Gr-great? "Akala ko may gusto ka sakin. Buti naman." dagdag nya.
Gusto kita. "Ba't naman ako magkakagusto sayo?" Pano kung sabihin kong para sayo ang bakasyon na to. "Vacation ko to eh." Higit sa tour guide lang ang halaga mo sakin. "Tour Guide lang kita."
Bakit iba ang sinasabi ng bibig ko sa isip ko?
I looked at him. He smiled. I feel betrayed. So okay lang sa kanya lahat ng sinabi ko? Akala ko mutual yung feelings namin. The way he react to my half-meant jokes. The way I care for him. The way na gumagawa ako ng iba't ibang paraan para masolo ko sya. He just smiled at those things? Like it is likely to happen.
I'm hurt deep inside, pero sino ba naman ako para magalit? Ang sagot ko ay wala akong gusto sa kanya. Pero ba't parang unfair. He could atleast not smiled. At least respect me. Ako na nasasaktan.
"I'm tired. You can lay at the bed." I said at humiga na ako sa sahig na may sapin na kumot.
I turned off the lights.
***
Maya maya may biglang gumalaw. May parang tumabi saakin.
"Sungjae." pagtawag ko sa pangalan nya na mamalat ang boses.
"Gising ka pa pala." aniya. Hindi ko maaninag ang mukha nya sa sobrang dilim. "Natatakot kasi ako, kasi ano..."
"Hmm?!"
"takot ako sa dilim." he completed.
"Haaahhh?" I said sounding concerned.
"Ayaw ko kasi buksan yung ilaw kasi sabi mo pagod ka. Kaya bumaba nalang ako para tumabi. Pero babalik na lang-" paakyat na sana sya ng kama nang hawakan ko ang mga kamay nya.
"No, you can stay with me." I said.
"Ahm. Sure ka?" tanong nya.
"Ne."
Dahan dahang bumaba si Sungjae para tumabi saakin.
Tahimik at madilim ang lugar. Walang ingay na maririnig.
"I'm sorry." I said. Pero walang sumasagot. Tiningnan ko sya. At dahil naka adjust na ang mata ko sa dilim nakita ko syang mahimbing na natutulog. "Ang daya mo." bulong ko, hindi hinahayaan na mag ingay para hindi sya magising. "Ang hina mo makakita ng signs." nginitian ko sya. "Ang slow mo!" Akala mo nakikita nya ako. "I like you." sabi ko humiga na ako at ipinikit ko na ang aking mga mata.
"Ilhoon?" narinig ko mula sa katahimikan. Sht! Narinig nya kaya ako? Agad akong bumangon. "Good Morning." Umaga na pala.
"Magbihis ka gagala tayo." aniya na nakangiti.
***
Sweet Cafè on vacation.
BINABASA MO ANG
Sweet Cafè [Iljae Fanfic / BtoB]
FanfictionAnnyeong Readers and Pinoy melodies! This story follows the romance of Jung Ilhoon a heir of one of the richest company in Korea, and Yook Sungjae a simple part-time worker who's dream is to be an actor. © Mike Vince Llanza 2017 @myNamjoonie