CHAPTER 14

3K 77 0
                                    

CHAPTER 14
-(I CAN'T)-

Umuwi na ako ng bahay kinagabihan dahil tumambay pa akong Park. Naabutan ko silang nagtatawanan sa sala.

"Oh, Andyan na pala si Princess eh." Bungad ni kuya Leo. "Kamusta ang paglalakwatsya?." Tanong ni kuya Mark na ang seryoso ng tingin.

"Hindi iyon lakwatsya!." Naasara na ako eh! Nandito nanaman si Nei sa bahay at parang out of place ako pag makikijoin pa ako kaya aakyat nalang ako para maligo. Paakyat na sana ako ng hagdan ng hawakan ako ni kuya Leo sa kamay. Napakunot ako ng husto dahil sa inasal niya.


"Pwede ba kitang makausap?." Tanong pa niya.

"Okay."

Pumunta kami sa garden para magusap pero wala naman nagsasalita. Shems! Nakakabingi eh.

"Anong pag uusapan natin kuya?." Pagbasag ko ng katahimikan.

"Gusto mo ba si Mark?." Tanong pa niya na ikinagulat ko.

"Hindi." Mabilis kong sagot, sa katunayan eh wala na akong mga crush sakanila pwera nalbg kay kuya Aris.

"Mahal mo na?." Sa tanong niyang iyon unang pumasok sa isip ko si kuya Aris. Oo mahal ko na siya pero bawal.... "Itigil muna 'yan Mia, walang maidudulot yan na maganda." Napatigil ako sakaniya na parang maluha luha.

"Alam mo?." Mautal utal kong tanong. Tumango siya. "Gano'n na ba kahalata? pero hindi ko kay–."

"Hindi mo kaya o talagang ayaw mong maalis ang maling nararamdaman mo para sakaniya?." Ayaw ko ba talagang maalis?.

"Kuya! Pinilit kong kalimutan siya pero hindi ko magawa! DAHIL MAHAL KO SIYA!." Doon na tumulo ang mga luhang gusto ko ng tumulo kanina pa. "Kung alam mo lang kuya kung paano ko siya iniwasan pero palaging gan'to! Akala mo kuya madaling iwasan siya kung bawat minuto na lumipas ay mas lalo akong nangungulila!!! Kuya naman eh! Akala ko madali?." Hikbi parin ako ng hikbi at parang may nakita akong tumulo sa mga mata niya.

"I know...Sorry princess." Niyakap niya ako hanggang sa nakatulog na ako sa mga bisig niya.

-//

My Four Hunk Brothers (Book1&2)Where stories live. Discover now