39

1.3K 28 0
                                    

CHAPTER 39: HOUSE

----
MIA's POV

"Hon! Anong gusto mong ulam?." Hiyaw ni Aris mula sa kusina. Nagdedesign kasi ako para kay Sir Luffy na gagawin naming bahay ni Aris. Hindi na ako nag-teacher kasi naman ayaw ni Aris na magkahiwalay kami kaya ito naging mag partner nalang kami. One week narin ang lumipas at gano'n parin si Christine. Abnormal parin hakhak! ..

"Omelette nalang tapos samahan mo ng fried chicken at fried rice." Sagot ko naman.

Uhmm. Mas maganda siguro kung simple lang. Hindi masyadong over design at hindi rin nakakasuyang tignan. Pumili ako ng design mula sa portfolio ni Aris. Magaganda ang design ni Aris pero ni isa ay wala akong nagustuhan kaya gumawa nalang ako ng sarili kong design if ever na gusto rin ni Sir Luffy.

Gumuhit ako ng dalawang palapag na bahay. tapos sa right side niya ay may isang salamin na makikita mo ang labas ng garden mo para naman may pagtatambayan at sa garden nito ay may swimming pool since dito sa right side makikita ang pagbaba ng araw. Sa left side sa itaas ay apat na kwarto at malawak ang bawat espasyo. Pagkatapos ay sa baba naman. Hays! Nakakapagod palang mag design.

"Ready na itong umagahan natin. Ano nakakita ka naba ng design para sa bahay ni Sir Luffy?." Pinakita ko kaagad ang gawa kung design na bahay.

"Gumawa ako ng sarili kong design kasi naman wala akong matype-an na design mo pero I admit din na magaganda ang gawa mo." Paliwanag ko pa.

"Okay lang. Maganda siya. Kumain na tayo at pupunta pa tayo sa opisina ni Mr. Luffy."

Kumain na kami pero hindi ko maalis ang tingin ko sa gawa kung design. Sumakit ang ulo ko tapos agad binigyan ako ng gamot ni Aris. Napakunot ako dahil hindi naman gano'n ka sakit eh.

"Okay lang."

"Anong okay? Diba sabi ni Dok last week na pag sumasakit ang ulo mo ay uminom ka nito?." Oo nga pala. Hays! Bigla bigla kasing sumasakit ang ulo ko pagnakakakita ako ng mga bagay bagay. Shems!

––—
Pagkarating namin sa opisina ni Mr. Luffy ay agad naming pinakita ang design ko.

"Ito po ang design ko at ito naman ang design ni Aris. Kung gusto niyo kayo nalang ang pumili kasi hindi ko naman alam kung anong design ang gusto niyo eh." Tumango siya bilang sagot at tinignan ang mga design pero hinuli niya ang akin.

"Ito ang gusto kong design." Ngiti niyang sagot. "May naalala akong dalawang tao tuloy. Sa'n mo nakuha ang design na 'to?." Takang tanong niya.

"Gawa ko ho bakit?." May nilabas siyang isang design at sa gulat ko ay kaparihong kapareho ng design ko ang pinakita niya.

SHEMS! BA'T NAGKAGANO'N?

-----
#Duplicate?

My Four Hunk Brothers (Book1&2)Where stories live. Discover now