32

1.4K 27 0
                                    

CHAPTER 7: LOST MEMORY

2 days na ang lumipas pero yun parin at 'yon ang palagi kong panaginip. Hays! Sino ka ba Shems?. Dadalhan ko sana siya ng pagkain ng nagtext si ate Clarise na papunta na siya rito since wala naman akong pasok ngayon.

Nagluto ako ng meryenda bago dumating si ate Clarise. Wala akong kaayde-idea kung bakit niya ako gustong makausap baka naman kasi sa anak nilang si Druke, isa pa yun manang mana sa ama niyang sutil. Hays!

Biglang may kumatok, ang akala ko ay si ate Clarise na pero isang bracelet pala. Kinuha ko ito at may design na padlock at sa bawat padlock na iyon ay may nakalagay na 'My love'. Sinuri ko itong mabuti ng may mapagsin akong.....tuyong dugo? Bigla akong kinilabutan sa nakita ko hanggang nakita ko ang kotse ni ate kaya agad ko itong itinago sa bulsa ko.

"Oh! Kanina ka pa ba naghihintay? May dinaanan pa kasi ako." Ngumiti siya at saka ko siya pinapasok. Umiling naman ako bilang sagot.

"Hindi naman saka nagluto pa ako. Tara kain tayo." Aya ko sakaniya sa sala.

"Kamusta ang buhay may asawa?." Buhay mag asawa? Hindi ko ramdam.

"Okay lang naman, Nga pala anong pag uusapan natin ate? Kay Druke ba? Nakuhh! Batan–."

"Hindi iyon." Sabi niya noong pinutol niya ang sasabihin ko. Hinintay ko siyang magsalita ngunit ngumiti lang siya at bigla akong nagtaka.

"Eh ano?."

"May naaalala ka ba sa nakaraan mo?." Pss! Malam–. "Pumikit ka at alalahanin ang nakaraan." Bigla niyang pinatakip ang mata ko at hinawakan lang ang kamay ko.

Inalala ko ang lahat ng nakaraan ko pero bakit gano'n wala akong makita? Blangko lahat at ang tangi ko lang naaalala ay bago ko nagustuhan ang apat kong kuya na hindi ko tunay na kapatid.

"Ngayon idilat mo." Sinunod ko siya na parang isa akong maamong pusa.

"Wala akong nakita." Malungkot kong tugon. Bakit gano'n wala kahit anong alaala? Posible ba iyon?

"Hanapin mo ang sagot Mia, Ayokong makulong ka lang sa mga kasinungalingan." Ani nito at aktong lalabas na ng tumayo ako at hinila siya. Nginitian niya ako pero alam kong hindi iyon tunay.

"Sino ba ako?." Tanong ko. Wala akong makita at maalala, Panong nangyari 'yun?.

"Gaya nga ng sabi ko. Hanapin mo ang sagot at sana DON'T TRUST THAT MUCH specially sakanila." Anong ibig niyang sabihin. Naiwan akong clueless sa pangyayari.

Sino ba ako dati?.....

May alam ba siya sa nakaraan ko at gano'n nalang siya saakin? Bakit? Sino ba siya? Sino ba siya sa buhay ko bago ako tuluyang na-in love sa kapatid niya ngayon?

Naguguluhan na ako.


----
#FindOut

My Four Hunk Brothers (Book1&2)Where stories live. Discover now