CHAPTER 15

3.1K 78 0
                                    

CHAPTER 15
-(HUH?)-

Nagising ako ng may humahaplos sa buhok ko. Nakita ko si Mommy na parang kagagaling lang sa pag iyak. Teka? Iyak? Eh nagkakasiyahan sila kagabi?.

"Good Morning, Princess." Ngiting bati nito kahit na ang lungkot ng bati nito.

"Good Morning rin po." Bati ko rin sakaniya. "Bakit po?."

"Wala naman. Gusto lang kitang masilayang hanggang masaya kaya." Sabi ni Mommy na parang may ibig sabihin. "Sige na magpalit kana at bak ma-late kapa mamaya. Kami na ng Daddy mo ang maghahatid sayo dahil may aasikasuhin pa ako." Ngiting sabi ni Mommy at nakangiting lumisan sa kwarto ko.

Weird!

Gaya nga ng sabi ni Mommy ay sila na nag hatid saakin since wala nanaman si kuya Aris. Arghh! Isa pang weird kasi palagi siyang wala tapos palagi ko namang nakikita si ate Nei sa school. Speaking of ate Nei Shems! Nakaka curious na talaga iyong sinabi niya.

"Ate Nei!!!!." Tawa ko sakaniya at agad naman siyang napalingon saakin at nginitian niya ako, gano'n din naman ang ginawa ko.

"Bakit?." Shems! Wrong timing ata ako, ewan ko pero parang may mali.

"Tatanungin ko lang sana kung kilala mo iyong nagbigay saaking blue rose?." Bahagya naman siyang  napangiti. Tapos may binigay siyang maliit na papel.

"Puntahan mo yang bahay na iyan at malalaman mo kung sino ang nagbigay ng rosas. pinaghandaan ko talaga iyan kasi alam kung tatanungin mo ako."

"Salamat ate." Paalis na sana ako ng kawakan niya muli ang kamay ko pabalik sakaniya.

"Fight what you believe." tapos umalis na siya. Huh? Lumaban ako kung ano ang pinaniniwalaan ko? Shems! Ba't ang weweird ng mga tao ngayon.

"FRIENDDDDD!." Nakita ko naman si Denise na papalaput saakin. "Ano kasi....." Napakamot naman siya ng batok "Ano, may gagawin ka ba mamaya?."  Tanong pa nito.

"Oo bakit?."

"Uh ano kasi, Gusto ka daw makita ni Ate Rachelle." Rachelle? Parang narinig ko na iyong pangalan iyon. "Girlfriend ng kuya Mark mo." Ahh oo nga pala. "Ito iyong address. Magkita raw kayo." Bigay niya at tinignan ko naman iyong isang adress. Parehas?.

" Uhh Sige. Mamaya maya rin pupunta ako." Ani ko.

Bakit iisang Address lang ang binigay ni Ate Nei at Denise?

-//Weird//

My Four Hunk Brothers (Book1&2)Where stories live. Discover now