41

1.3K 28 0
                                    

CHAPTER 41: CAPSULE

Ano ba ako dati? Sino ba ako? Ba't mo ba ako ginaganito Aris? Sino ka ba saakin dati? Shems...My love?

Nandito ako ngayon kila Rio kasi naman mabo-bored lang ako. Pinakita ko sakaniya capsule na iniinom ko.

"Sa'n mo nakuha ang capsule na 'to?." Tanong niya agad saakin. Isa siyang registered nurse kaya pina check ko. Minsan kasi nakakalimutan ko ang mga bagay bagay kaya pumunta ako rito para ipa check 'tong gamot.

"Yung Doktor ni Aris. Sabi niya pagsumasakit ang ulo ko ay inumin ko raw 'yan." Bigla siyang napaisip at pumunta kami sa hospital nila pero sinama na niya ako.

"Nurse Claire, Patingin po itong gamot na ito sa laboratory kasi wala naman siyang pangalan kaya gano'n nalang ang pagtataka ko." Paliwanag ni Rio.

"Sige po Nurse Rio." Pumunta siya sa isang laboratory at para tignan ito.

"Medyo matatagalan pa kaya kung gusto mo mag-libot libot ka muna kasi may aasikasuhin pa pala ako." Tumango naman ako bilang sagot.

Ilang oras kung hinintay ang result at dumating na rin.

"Ito na po iyong result. Nakita ko po na kagagawa lang ang capsule na ito. It can lose a memory of a person in the past, perfect poison to erase their memories." Napatulala ako sa sinabi niya.

"Wala bang side effect 'to?." Tanong pa ni Rio habang ako? Tulala parin.

"Wala naman po kasi maganda ang pagkakagawa ng gamot saka it contains vitamins na perpektong perpekto ang pagkakagawa." Napapikit ako sa nalaman. Kaya mo ba pinapainom saakin ito Aris? Para hindi ko siya maalala? How selfish you are!

"May I excuse my self?." Tumango naman sila.

"Mia, You'll be fine." Nginitian niya ako bago ako umalis.

You'll pay for this Aris!

-----
#YeYeYe!

My Four Hunk Brothers (Book1&2)Where stories live. Discover now