Beware little spg! Minors readers is not allowed. Be mindful. Maikli lamang po ito na chapter. But sound interesting naman..
.
.St Lukes Medical Center.
Dumating na ang mag asawa. Halos hirap ang mga securities na idaan sila, sa dami ng tao at reporters na nag aabang sa kanila. Mahigpit na hinawakan ni Levy ang kamay ng asawa. Para hindi ito makabitaw sa kanya.
" Are okay sweetie?" si Levy.
" Yeah, lets go in." Sagot naman niyang hinihingal pa sa pakikipag siksikan sa mga tao. Hawak kamay parin ang couple na pumapasok sa loob ng hospital.
Matapos iyon diretso sa loob ang mag-asawa. Halos tumakbo na silang dalawa. Nang matapat sila sa may ICU at kitang kita nila ang matanda na nakaratay sa hospital bed na tila wala ng buhay. All glass kasi ang nasabing ICU room. Ang daming tubo ang nakakabit sa dito for life support.
Tuloyan ng naglaglagan ang kanina pang tinitimping mga luha ni Levy. Subrang bigat na ang nadarama niya at parang gusto niyang magwala sa mga oras na iyon. Habang nakatingin sa abuelo. Pero wala siyang magawa sa mga sandaling 'yun kundi ang maghintay sa himala at magdasal.
Kung kailan muling makakausap ang matanda. Wala pang makakapag sabi nun.
Inakay ni Jamila ang asawa palayo sa lugar na 'yun. Alam niyang higit siyang kailangan ng asawa sa mga sandaling ito. Batid niya ang pinag dadaanan nito at handa siyang maging sandalan ng asawa. Ika nga sa wedding vows' In sickness and health, till death do us part.'
Labis ang lungkot na nadarama ng dalawang angkan sa sinapit ni Don Valentino Lemington. At ang media men pinagpistahan ang pangyayari. Wala naman magawa ang dalawang pamilya na awatin ang mga tsismosa at tsismoso. Hinayaan lamang nila ito. Ganun talaga ang tao. Masaya pa sa paghihirap ng iba.
Isa pang problema ang kaso na isinampa ni Mr. Santillan kay Senator George Marcos. Nasa korte suprema na. Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang pamilya sa kabila ng lahat.
Sa Hospital, nakayakap parin si Jamila sa asawa na halos ayaw ng iwan ang lolo nito. Hanggang sa kasalukoyan wala paring pagbabago ang kondisiyon ng matanda. Na maslalo pang lumalala.
" Magigising din siya okay, manalig lang tayo sa Diyos baby. Ang panalangin ang pinaka makapangyarihan sa lahat." At niyakap si Levy.
" Salamat mahal ko at lagi kang nasa tabi ko." tugon nito sa kabiyak saka hinagkan ang noo nito.
" Ano ka ba?You don' t need to say those words, mahal kita, at iyon ang higit na mas mahalaga, okay?"habang nakatingala sa esposo.
At niyakap muli ng mahigpit ang asawa.Gumanti din ng yakap si Levy sa kanya.Mula sa labas may mga matang naka masid sa mag- asawa. Tila tinusok ng karayum ang puso ni , Angelo sa nasaksihan. Pakiramdam niya para siyang na tutunaw na kandila at nabitawan ang bulaklak na hawak.
"Aminado naman akong mahal na kita , simula pa noong unang araw na masilayan ko ang maamo at maganda mong mukha. " bulong nito sa sarili.
"At hindi na ako natahimik, kahit alam kung your belong to other guy, but now I' m failed." He added, at kasabay ng pagtalikod ay ang pagkalaglag ng mga luha ng binata. Pinunasan nito ang mga mata at tuloyan ng nilisan ang nasabing lugar.
Naka upo parin ang dalawa sa may couch. Tahimik lang ang mga ito habang binabantayan ang lolo ni Levy.
" Mga anak, puwedi bang umowi na muna kayo sandali? Ako na muna ang bahala dito, sige na hijo, huh?" si Donya Regina ang pagtataboy nito sa mag-asawa.
BINABASA MO ANG
JAMILA, The Teenage Bride( The author's Uncut Version)
Romansa-RESTRICTED! 18+ Eighteen year old JAMILA MARCOZ marry twenty-eight year old LEVY MARTIN LEMINGTON. A bachelor, business tycoon and one of the youngest billionaire in the country. Seryoso. Workaholic. Madamot. Ilan ito sa mga ugaling labis na kina...