Copyright © by @E-rindepity
©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.
Chapter 2
Mabilis lumipas ang anim na araw, kayat pasukan naaaaa! Panahon na naman ng paggising ng maaga.
Makikipagsapalaran na naman sa matagal na pag-aabang ng jeep, mga panot na drivers, at mga may putok na pasahero. Swertehan mo na lang kung naligo ng pabango yang katabi mo.
Makakalanghap ka na naman ng air pollution. Tandaan mo, isang taon mo 'tong titiisin. Pero dahil ako si Aishera Sirius nasanay na din naman ako, wala na sa kin yan.
Nakasakay na ako sa jeep. Agad kung nilibot ang aking paningin sa mga pasaherong kasama ko. Wala namang mala-prince charming ang itsura. So malamang, hindi sa jeep ang first meeting
namin. Hahaha. Excited na talaga ako ha!
Walang traffic kaya naman mabilis akong nakarating sa school namin.
Isang pribadong paaralan ang aking pinasukan. May 6 na buliding na 5 floor ang taas. May 25m. swimming pool , Socceer field at Court na kung saan nandoon ang malaking board na nakapaskil yung sections namin.
Halos aakalain mo na nilamon na ng mga estudyante yung white board dahil sa kumpulan ng mga tao. Atat talagang malaman ang mga sections nila kala mo naman nasa Pilot Section eh. Dahil ayokong makipagsiksikan, mamaya ko na lang titingnan. Nakita ko naman agad yung best friend kong si Gigi.
"Bikx!" tawag ko sa kanya. Tumingin siya sakin kaagad. Syempre, alam na alam
niya ang boses ko.
"Bikx! Namiss kita ng bonggang bongga! Grabe. I have so many kwento sayo!" Amp. Bakla.
"Palagi naman yun pero sana maging classmate kita ngayon!"
"Oo talaga!!"
Naka-cling to each other yung arms namin . Habang papunta kami sa malaking
white board (buti naman at buo pa), lahat ng makakasalubong naming gwapo, eh binabati nitong si Gigi.
"Hoy Greggy, ang landi mo! Haha" Nagtawanan lang naman kami .
"Yuck Greggy! Wag mo nga akong tawagin ng ganun?! Panira sa beauty ko."
"Meron ka ba nun?"
"Bruhaaaa ka talaga..."
Nagtawanan lang kami. Ganito talaga kami ka-abnormal pagmagkasama. Nakalapit na kami sa malaking white board. Ang daming papel kaya joined forces kami ni Bikx (si
Gigi yan) na hanapin yung section namin.
Nakakaduling ah. Kumikirot na yung ngipin ko dahil sa braces ko. Sosyal ako, may braces. Ang pangit kaya ng ngipin ko. Hahaha.
"OHHMMMMOOOO!! O to the M to the G!! Magkaklase tayo Biiikkxx" Parang rinig na rinig sa buong court yung boses ni Gigi.
Napatingin ako sa mga kalalakihang malapit sa gate napinagtatawanan ata kami. Andun si Ash na isa sa mga tumatawa kaya tiningnan ko ng masama pero nakangiti pa rin siya tapos nag-wave siya sakin ng hello. Inirapan ko lang siya tapos tumalikod ako sa kanya. Narinig ko pa yung mga kasama niya na ng 'Ooooohhh' ng bonggang bongga. Mga abnormal na lalake. Badtrip
"Anong section natin?"
"Ayy, sayang! Hindi natin kaklase si Papa Ash!!"
"Bikx?! Anong section natin? Ano bang pakeelam ko sa Ashungot na yun?"
"Ang bitter mo Hahaha"
"Excuse me?"
"Napansin ko lang ha mahilig kang magtawag ng mga panget naming pangalan. Porket ikaw ang cute ng pangalan mo, ganyan ka na."
YOU ARE READING
Your Glimpse
Teen FictionAishera Sirius Ramirez is her name. The girl with a perfectly imperfect life kung maituturing niya. A nobody that has a famous boy best friend. Love and adore by everybody. A story about Best friends. Love. Friendship. Sacrifices. Sa lahat ng baga...
