t e n

77 9 4
                                    

Copyright © by @E-rindepity

This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.



Chapter 10


Bumilis ang panahon. Last na din ng August ngayon. Next Week, Intrams na. Alam naman namin natalo na kami sa mga seniors no! Hahaha. Ano pa nga ba ang mga nangyare? So yun, halos wala namang bago. Magkatext at magkachat nga palagi kami ni Kuya Daniel. Isa rin palang malandi yung lalaking yun. Joke. Haha. O siguro hindi lang ako sanay na may lalake akong palaging nakakatext at nakakachat. May tawagan na nga kami eh. Kuya at Bunso. Aww.

How cute diba? Haha

So samin naman ni Ash, ganun pa din naman. Best friend pa din. Mahal ko pa din siya. Haha.

Eight years na. Sanay na sanay ako. Andun pa din ang tuksuhan, asaran at galaan.

Sinasamahan pa rin niya ako sa pagsimoy dun sa pogi na nakatira sa may tindahan.

Magkasama pa rin kaming nagsisimba sa chapel. Sabay kaming pumapasok at umuwi.

Nag-uusap pa din kami sa mga bintana namin. At hanggang ngayon, hindi pa rin
nasisimulan ng daddy niya yung bridge na gusto naming itaguyod. Haha.

Wala kaming classes ngayon. Kailangan daw kasi magpractice ng bawat year level ng cheer dance at laro nila. So ako naman etong running for the best in tambayan award.

Wala naman kasi akong galing sa pagsasayaw o pagcocompose ng cheer. Hindi nga ako marunong mag-volleyball o kung ano mang sport. Ang weak ko talaga. So yun nasa room kami ng Section A. Kami yung bahala sa mga props ng cheerdance. Buti pa si Gigi. May laro! Sosyal, Table Tennis. Expert siya dyan. Baka nga manalo pa siya eh. Haha.

Isa lang naman ang kinaeexcite ko sa Intrams eh. Yung Intram's Night. Haha. Ang dami ding kalandian ng school namin no? Hindi rin kasi ako nakasama last year sa Intram's night dahil bigla akong nagkalagnat. Ang epic ko talaga no?

So yun, halos hindi na rin ako makapaghintay. Ifast forward na natin sa mga finer parts of my life. Haha.

Tuesday. Day 1. Intrams. September 5.

Punong-puno ng dekorasyon yung Covered court ng school namin. Nagsimula na yung
parade para sa mga players at cheerdancers, Hindi naman talaga siya parade kasi inikot lang
talaga yung buong school namin. Ang corny no? Masabi lang na may parade. Hahaha. So
yun, merong malaking mat sa gitna nung court kung saan nagtumblingan at nagexhibition yung mga cheerdancers ng bawat year level.

Astig nga eh. Mabalian sana ng mga buto 'tong mga 'to. Haha. Kami namang mga nasa gilid lang eh todo cheer sa mga ka-level namin. Wooo. Sabugan na ng ngala-ngala 'to. Haha.

Madali pa naman akong mapaos. Grabe.

Nagsimula na yung paghulog nung mga mahahabang tela kung saan nakasulat yung Juniors at Seniors. Palakasan na naman kami ng mga sigaw at cheer. Ang mga SSC officers ang nag oorganize nito. Bawat building ay merong naghuhulog ng ibat-ibang kulay na parang mga glitters nabgawa sa mga construction paper, foils at marami pang iba.

Dahil ang batch namin ang pinaka-kaunti, kaming batch ang pinaka weak sa sigawan.

Haha. Seniors na nga lamang sa sigawan. Sige, sumigaw lang kayo. Pag-uwi malas.

Your GlimpseWhere stories live. Discover now