t h i r t y - t h r e e

42 0 1
                                    


#YourGlimpseWP

©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.

Chapter 33

Hindi nakaimik si kuya Danniel sa sinabi ko. Nagtawanan kami na para bang nagmistulang joke lahat ng sinabi ko sa kanya. Syempre, nakapagkwentuhan din kami tungkol sa kung anu-ano.

Minsan sinisingit ko yung pang-aasar ko sa kanya kay Ate Kim. Sa totoo lang, mas bagay naman talaga sila kaya sigurado ako na they will be a great couple.

Mahal na mahal ni Ate Kim si kuya Danniel , while si kuya Danniel naman (kahit obvious naman), sinasabi pa rin na best friend niya lang si Ate Kim.

"kantahan mo ako..." excited niyang sinabi.

"hala! Wala akung talent sa pagkanta no!" sabi ko sa kanya.

"sige na! baka bukas mamatay ako... sige ka... magsisisi ka!" tumatawa siya sa sinabi niya pero sineryoso ko yun. Agad nawala yung ngiti ko sa mukha.

"sige na nga! sorry ka na lang kapag umulan ha!" I surrender. Tumawa siya nangmatangumpay na halakhak.

All I hear is raindrops

Falling on the rooftop

Oh baby tell me why'd you have to go

Cause this pain I feel

I am singing like I am a professional singer. Feeling ko nga ang galing-galing kong kumanta.

Napapikit si kuya Danniel habang ako'y kumakanta, mukhang ineenjoy niya lang yung boses ko. Para ngang inaasar niya lang ako. Loko talaga 'tong mokong na 'to.

It wont go away

And today I'm officially missing you

I thought that from this heartache

I could escape

Nahahaluan na rin ng tawa ang pagkanta ko. May pasway-sway lang epek nannalalaman. Akala mo naman kagandahan talaga ang boses ko!

But I fronted long enough to know

There ain't no way

And today

I'm officially missing you

Medyo nahihiya na ako lalo na nung tumitig sakin si kuya Danniel. Ginagamit niya yung mata niya pang-communicate sakin kahit wala akong naiintindihan sa bawat pag-kurap ng mga mata niya kaya napapangiti na lang tuloy ako.

Oh can't nobody do it like you

Said evert little thing you do

Hey baby say it stays on my mind

And I, I'm officially

Naisipan ko na rin na hanggang dito na lang yung kantahin. Baka pag tinuloy ko, bumagyo na eh! haha

"hanggang dun na lang!" sabi ko naman sa kanya. At tumawa lang siya.

"Maganda naman pala boses mo eh...", pambobola niya sa akin. At ako naman itong si uto-uto, hindi maiwasan mamula. Pakiramdam ko namula ako sa sobrang pagkaflatter.

"You should sing more often..."

Tumango lang ako bilang pagsagot. Akalain mong may talent pala ako sa pagkanta?!!. Ang alam ko si Dana lang talaga ang magaling kumanta sa pamilya namin eh?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your GlimpseWhere stories live. Discover now