#YourGlimpseWP
Copyright © by @E-rindepity
This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.
©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.Chapter 31
Napatayo ako ng bigla. Pinunasan ko agad ang mga luha ko para hindi niya makita na iniiyakan ko siya. Nanlaki yung mata ko nung napaisip ako kung kanina pa kaya siya nandyan? Paano kung narinig niya yung mga sinabi ko kay Syrie?!! Napakagat ako sa labi ko dahil sa sobrang kabug ng nararamdaman ko ngayon, kinagat ko na Rin Yung mga kuko ko sa kamay tapos pumikit nalang.
Feel ko napapangiti si Ash sa likod ko.
"Syrie..." narinig kong ibulong niya. Sinubukan kong sumilip sa ibaba at nakita ko siya na linagay yung kamay niya sa bulsa niya.
Pinapayongan pa rin niya ako at tuloy pa din ang buhos ng ulan pero hindi pa rin namamatay yung kandila na tinirik namin.Umubo siya bigla. Kinilabutan naman ako ng kumulog tapos biglang lumakas ang ihip ng hangin.
"Gusto ko pala ipakilala sayo ang babaeng ipinalit ko sayo..." nagulat ako ng bigla niyang sinabi yun tapos bigla niya akong inakbayan. "Pakibatukan nga siya minsan sa pagtulog niya, mukhang hindi naniniwala eh..."
Napangiti ako sa sinabi niya pero trying hard naman akong nagpipigil ng kilig.
Napatango ako tapos hindi ko mapigilang ngumiti. Iyak tawa ang nagawa ko na para akong baliw. Nararamdaman ko na linapit niya yung bibig niya sa tenga ko tapos
bumulong siya."narinig mo naman diba?" tumango ako ng wala sa huwisyo. At ako naman kasi 'tong tanga na natatakot maniwala, natatakot aminin na meron din palang pag-asa na mahalin ako ng lalaking dati ko pa mahal.
"baka gusto mong ulitin ko pa para sayo..."
Nasa boses niya yung pagiging mayabang niya kaya natawa na lang ako. Nag-iba yung mukha niya nang tinawanan ko lang siya.
"hoy alam kong corny 'to no... Pero alam mo namang hindi ako isang corny na tao! ang laking effort ang binibigay ko para umamin sayo ng maayos at tatawanan mo lang ako? ."
Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya sa akin yun. Dun ko narealize na ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
At napangiti ako.
"so galit ka na niyan?" pang-aasar ko namang sabi sa kanya. Medyo lumayo siya.
Grabe, daig pa niya ang babae kung mailang. Parang hindi siya nasanay sa sobrang closeness namin.
"h-hindi.." pautal-utal niyang sabi sakin. Yung kanang kamay niya pala eh nakahawak dun sa kaliwang braso ko tapos ang lapit-lapit din namin sa isa't-isa. Pinagkasya namin yung sarili namin dun sa payong.
"eh ano pa bang sasabihin mo?" tanong ko naman sa kanya. Wala lang.
Gusto ko lang marinig sa kanya ng buong-buo. Ngumiti siya sakin bigla, napakagat ako sa labi ko dahil gusto kong pigilan yung pagkakilig ko sa bawat kilos niya at bigla niya akong niyakap.
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko tapos wala akong naririnig kundi Ang bawat pintig ng puso niya, na saktong-sakto yung tenga ko dun sa kaliwang bahagi ng dibdib niya. Napapikit ako nun, feeling ko sumisigaw yung puso niya ng

YOU ARE READING
Your Glimpse
Novela JuvenilAishera Sirius Ramirez is her name. The girl with a perfectly imperfect life kung maituturing niya. A nobody that has a famous boy best friend. Love and adore by everybody. A story about Best friends. Love. Friendship. Sacrifices. Sa lahat ng baga...