t h i r t y

22 0 0
                                    


Copyright © by @E-rindepity

This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.

*~*~*~*

Chapter 30

Hindi ako makapagsalita. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Napahawak ako sa kaliwang bahagi ng puso ko. Ayoko maniwala sa mga sinasabi ng isipan  sa akin.Ang hirap kasing paniwalaan.

"Nagkakamali po ata kayo."

Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako ganito... pinipilit ko pa yung mga bagay-bagay kahit na obvious na sa mga paningin ko yung katotohanan. Ang hirap kasing tanggapin eh... parang ang hirap mag-decide kapag ganito...

"No way..." sabi sakin ng mommy ni Kuya Danniel. Naluluha siya . Mahinang lumakad yung katulong sa sala tapos linagay niya yung tray of cookies dun sa center table... naririnig ko  yung mga maliliit niyang hagulhol. Siguro, matagal na siyang katulong dito at napalapit na rin siya ng husto kay Kuya Danniel.

"Si Ate Kim po talaga ang gusto niya... hindi po ako..." Ewan ko ba kung bakit ko sinasabi 'to. Napalunok ako.

"Kimera??" si Ate Kim. Parang napaisip pa sandali yung mommy ni kuya Danniel.Please let it be her. Ayokong mainlove sakin si kuya Danniel. Kasi baka madala ako ng awa sa kanya. Nahihirapan na akong huminga  kahit na wala naman talaga akong hika. Naninikip yung dibdib ko.Dala siguro ng rush of emotions...

"Opo..." triny ko  din na magsalita. Rush of words din sa utak ko yung pumapasok sakin. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain 'to pero sa sobrang bigat ng problema na nalaman ko... parang pati ako nadadala. Ganito pala yung nararamdaman ni Ate Kim noon. Ganito pala kasakit yun.

"Kimera is a very good friend to Danniel... sa totoo lang... parang magkapatid na ang dalawang yun eh..." lumapit siya dun sa tokador na pinakaeleman ko kanina. Then meron siyang kinuha na picture frame na hindi ko  masyado napansin kanina. Nakita kong picture yun ni Kuya Danniel at Ate Kim... 

"A girl with a very charming smile..." nag-agree ako dun. Sobrang ganda ni Ate Kim kaso parang wala lang appeal... parang may sadness kasi palagi sa mga mata niya eh...

"pero ever since nung malaman niya yung tungkol sa sakit ni Danniel, nawala na rin yung mga masasayang ngite niya..." nakita kong hinawakan niya yung picture  then gently, binalik niya yung picture frame dun sa tokador. Tumingin siya sakin ng diretso.

"That's why galit na galit sakin si Danniel nun..."

Kinabahan ako. Ewan ko kung bakit. Nagpatuloy ulit yung mommy ni Kuya Danniel sa pagsasalita.

"Nabanggit ko kasi bigla kay Kimera eh..." nakita kong lumuha siya. 

"Kaya yun... ako ang may kasalanan..."

Naka-feel ako ng awa  sa mommy ni kuya Danniel. Ang sakit sakit talaga.

"Ako rin palagi ang may kasalanan eh..." nagsigh ako nun... "Ako yung dahilan kung bakit nawalan si Danniel ng will to live..." naiiyak na siya. Napapaluha na nga rin ako nung mga panahon na yun eh. Ang sakit eh... tagos sa puso... 

"but thanks to you..." nanlaki ang mga mata ko nung sinabi niya yun.

"Po?" nagtataka kong tanong sa kanya...

"The moment he first saw you saved that boy... Dun niya narealize kung gaano kaimportanteng mabuhay. Alam niya na mamamatay na yung boy nun sa pagkalunod pero bigla kang dumating para iligtas siya... na-touch si Danniel dun... and simula nun...pinangarap na niyang ma-meet ka..."nagpumilit sa ngite yung Mommy ni kuya Danniel...

Your GlimpseWhere stories live. Discover now