s i x

90 10 0
                                    

Copyright© by @E-rindepity

This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.



Chapter 6

Lumipas ang ibang araw. Palage ko namang nakakatext at nakakachat si Prince Charming ko a.k.a Kuya Danniel. At ngayon ko lang naman nalaman na ang buong pangalan niya ay Lee Danniel Javier. Pangalan pa lang gwapo na. OHA! Hahaha. At ngayon ko rin naman narealize na palapit na ng palapit ang SHS Ball na usapan na sa buong campus.

Nung high school naman kasi ako eh Grade 10 lang ako nasali sa mga ganito. Kahit nung acquaintance last year eh hindi ko inattendan. Tamad lang siguro ako o sadyang wala akong hilig sa mga ganito.

Kaso mas ayos pa nga yung acquiantance last year gawa ng puro kasiyahan lang naman daw . Eh etong SHS Ball, naglevel-up na! Parang Prom na nga daw 'to eh. Gawa required ang mga estudyante na magkaroon ng ka-date. Grabe
eh.

Dalawang araw na lang, SHS Ball na. Hindi naman ako naeexcite. Feel ko nga hindi na
naman ako makakapunta kasi wala namang nagyayaya sakin. Si Gigi nga gusto kong kadate kaso pati best friend ko naunahan na din.

Eh si Ash? Aasarin lang ako nun kapag sinabi ko sa kanya na gusto ko siyang ka-date. Ineexpect ko naman na yayayain ako ni Kuya Danniel Pero malabo na ata yun. Bahala na nga. Bakit ko ba 'to prinoproblema?

Mabilis lumipas ang oras, dismissal na. Gusto ko pa sana manuod ng practice nila Kuya Danniel pero bigla akong tinamad. Hahaha. Nasa First floor na ako ng makita ko si Ash na nakatambay lang dun. Nanunuod ata siya ng practice ng volleyball varsity.

"Huy. Makatitig. Anong meron?" Nakatulala kasi siya dun sa mga nagprapractice. Feel
ko.... Teka... Volleyball Girls at Boys yung nagprapractice ngayon. Tss. May crush 'to
siguro galing sa mga babae na yan. Badtrip. Sige. Ako na selos.

"Ha?"

"Meron kang type dyan no? Aminin mo nga!" Halos yugyugin ko na buong katawan niya. Nakakabadtrip . Ang sakit kaya.

Erase na yun. Scratch that. Tiningnan ko naman siya gamit ang tantalizing eyes ko. Haha.

"Ano ba? Tumahimik ka nga dyan." Ay sorry naman. Masyado lang kasi akong affected
diba.

"Sabihin mo na kasi."

"Oo. Yung Grade 12 na naglalaro. Si Ate Kim. Ang cute niya eh." Tssss. Mabilis na nag-load sa utak ko na taob na taob na ako sa Senior na yun. Hay nako.

"Sus. Okay lang naman."

"Ang ganda niya." Nakangite siya habang sinasabi niya sa akin. Ang landi mo Ash. Para kang kuto no. Ang sarap
mong tisirin.

"Okay. Fine. Umuwi na tayo." hinila ko yung kamay niya with all my powers para wala
ng kawala. Hahaha.

"Eto naman. Panira. Nag-eenjoy pa ako eh" Sabi niya habang papalabas kami ng gate. For sure, kadate niya . Hay nako naman.

"Ano ka ba. Pagdating na din yung SHS Ball. Pwede mo siyang isayaw dun. Teka, yinaya mo ba as date?" Please. Sana hindi pa. Please lang. Tumigil na kami sa waiting shed ng mga jeep. Tinago ko yung kamay ko na naka-crossed fingers ngayon.

Your GlimpseWhere stories live. Discover now