Copyright © by @E-rindepity
This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.
©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.------------------------------------------------------
Chapter 23
Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko malagay sa aking isipan ang mga naririnig ko. Nanlamig ang buong katawan ko ng sabihin sakin ni Ash ... mahal niya ako? Siguro naghahallucinate lang ako. Natutuwa ako. Mahal niya rin pala ako Pero kahit na ganun.
"Ah..Eh..Ih".
Im so shock at this moment. Parang tumigil ang pagtakbo ng oras sa sarili kong mundo. Parang gustong magpaparty ang puso ko sa sobrang tuwa. Medyo nagulat si Ash sa sinabi ko sa kanya. Ewan ko naman kasi kung anong sasabihin ko. Dapat ko bang sabihin na 'mahal rin kita' o di kaya 'i love you too'. Im speechless.
Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Joshua at Gian.
"ang daya niyo ah?! tama bang tumakas sa lecture?!" Joshua.. Nako naman.
Hahaha. Medyo lumayo ako sa pagkakatabi ko kay Ash . Medyo nailang ako bigla.
"Oo nga! Oh dyan na lang din kami..." umupo si Gian dun sa space na ginawa ko sa
pagkakalayo ko kay Ash.
Andun na siya sa gitna namin. Hindi ko maiwasan na hindi mapasulyap kay Ash. Kinikilig pa din ako. Parang ang hirap paniwalaan na ganun din pala ang nararamdaman niya... parehas pala ang nararamdaman namin para sa isa't-isa...
"ano bang ginagawa niyo dito?!" iba yung tono ng boses ni Joshua. Parang naman may ginagawa kami dito no?! Hahaha
"Ha? May dapat bang gawin?", pambabara ni Ash kay Joshua.
"Oo nga. nakaupo lang naman kami dito ah!" panira ata ako. Naging defensive na yung tono ko.
"eto namang si Aish! halatang-halata na may ginawa eh..." feeling ko namula ako ng
bonggang-bongga. Wala naman talagang nangyare ah?! bakit ako nagkakaganito?!
"kayo nga umamin na nga kayo?!! kayo na ba?!" pang-aasar na sinabi ni Joshua samin.
"Uh..uh..a-an..." pautal-utal kong pagsasalita. grabe, ang hirap mag-isip ng palusot ah?!
"Siya lang naman ang hinihintay ko eh..." ako ba yung tinutukoy ni Ash?!.
OOOAA-IISHH!!!
Napatingin ako sa kanya. Nanlaki yung mata ko. Feeling ko naman eh mas nanlaki pa yung mata ni Joshua at Gian. Paano pa kaya kung andito si Gigi?! Baka malaglag na ang panga nun?! Hahaha.
"AAAAAHHHHHH!!!!" napasigaw bigla si Joshua. Mukhang timang lang. Napatayo
si Gian na nasa gitna namin. Nagstep-out si Gian sa banig tapos humarap siya saming dalawa ni Ash na magkatabi na ngayon.
"KAYO NA TALAGA?!" sabi niya habang naturo pa samin. Grabe, nakakahiya.
Hinila siya ni Ash pababa dun sa banig ulet. Hahaha. Nagtitinginan na nga yung mga tao samin.
"ang ingay mo..." hala, akala naman ni Ash kami na?! Hahaha. Feeler much?! Joke. Dun
din naman tutungo ang lahat.

YOU ARE READING
Your Glimpse
Teen FictionAishera Sirius Ramirez is her name. The girl with a perfectly imperfect life kung maituturing niya. A nobody that has a famous boy best friend. Love and adore by everybody. A story about Best friends. Love. Friendship. Sacrifices. Sa lahat ng baga...