o n e

373 15 1
                                    


 Copyright © by @E-rindepity

This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.

*~*~*~*

Last week na ng summer kaya next week ay pasukan na namin. I'll be in Grade 11 this upcoming school year. Nakakabitin yung bakasyon kaya sinulit ko na ang mga minutong natira.

Kasalukayan kaming nag-e-EK ngayon kasama ang dalawa kung kaibigan.

Si Ashley Blaire Gonzales. Ash din ang palayaw niya. Childhood friend. As in literal,
pagkapanganak pa lang sa amin, bound na kami magkakilala.

Anak kasi siya nung ka-crew member ng Mimi ko sa Dance Club noong highschool. Kaso sa kasamaang palad, wala akong nakuhang talent sa kaniya.

Samantalang si Ash, nung nagpaulan ang Diyos ng kagalingan sa pagsasayaw, sinalo niya na lahat. Pati kaluluwa niya ata nakasalo ng talent na yun!

    We're best friends but at the same time enemies kami.

Ashungot

Basta kapag hindi ko siya nakikita, magbest friends kami. Kapag nakita ko siya, kaaway ko siya. Palagi ba naman kasi niya akong pinagtritripan. Badtrip yung ashungot na yun!

  Hindi ko maiintindihan kung anong nagustahan ng mga kababaihan sa kanya. Heart throb siya  sa aming school kaya  sumikat din ako as the 'Bestfriend'.

    Yung isa naman ay si Rica. Si Rica?, bakla siya. Ricardo Magbanwa. Siya ang naging best friend ko simula pagka 1st year high school. Katulad ko, parehas kaming lokaret, kaya nga nagkasundo kami .

Sayang yung looks ng bakla. Gwapo pa naman. Bakla nga lang.

At ang aming isa pang kaibigan na si Syrie.

Si Syrie Brionne Andrea Echary
Taas ng name no! Hahha.  Ewan ko kila Tito at Tita, taas makagawa ng pangalan.

Tulad namin ni Ash, kababata din namin  siya kaso hindi kasing close namin ni Ash.
Siya ang first love ni Ash at the same time
ang unang heartbreak niya.

Nakakalungkot man sabihin, namatay siya 3 months ago, sanhi ng isang aksidente sa sasakyan. Nabunggo ang sinakyan niyang taxi dahil sa malakas na ulan.

Sa kanya nga lang natotorpe yung mokong eh. Kagwapo-gwapo tapos kapag kaharap si Syrie, wala ng masabi.

Nakakaselos nga eh!

Teka, sinabi ko ba yun?

Fine. To be Honest, may gusto ako sa bestfriend ko. Well, hindi naman siguro maiiwasan na magkagusto sa bestfriend mo na hulog ng langit diba. Imposible lang kasi.

   Tsaka siguro hanggang bestfriend lang naman talaga kami. Tanggap ko na yun. Hanggang ngayon naman, ang puso niya ay para kay Syrie pa rin.

  Kailangan pa siguro ng Genie, Fairy God Mother o Mangkukulam para lang maIn-love sa akin si Ash.

------------------------------------------------------

Halos naubos na namin sa kakasakay ng mga rides dun at hindi ka pa rin kami nakuntento. Sa huli ay napagdesisyonan namin na umuwi na lamang dahil nag-gagabi na rin man.

10 pm na nang nakauwi ako ng bahay. Ang daya nga eh. Ang aga magsara ng EK.
Sayang ang 1000 sa ticket. Refuuund.

     Dahil hindi naman talaga ako masyadong napagod sa aming lakad, binuksan ko yung computer. Kinuha ko yung DSLR ko at yung USB connector.

      Malamang, sinaksak ko yun sa computer ko. Nag browse ako ng mga pictures namin.
Kahit tatlo lang kami natira, masaya pa rin kami.

     Pumili ako ng picture namin na kaming tatlo ang magkakasama. Sayang at wala na yung isa pa naming kaibigan. Nakakamiss talaga siya.

Kinuha ko sa ilalim ng kama ko yung notebook/diary/scrapbook ko.

       Siguro, nacucurious kayo kung ano-ano ang mga nakasulat o nakalagay dito. Well, kahit hindi kayo macurious, sasabihin ko pa rin kung anong nakalagay dito.

Simulan sa unang pahina.

Naka-paste dun yung pinakamaayos kong drawing nung Nursery ako. Dito ko narealize na may future ako sa pagdra-drawing. At narealize ko rin kung gaano ako kabaliw sa pag-discover sa mala-fairytale kong love story. Nursery pa lang ako, marunong na akong lumandi.

Gusto ko kasi na makikilala ko si Prince Charming habang nakasakay siya sa isang
puting kabayo na may Black at Pink na buntot. Kung paano magiging katotohanan yun, eh hindi ko alam. Hahaha. Tapos makakasayaw ko si Prince Charming sa isang garden na sobrang daming  bulaklak at mga alitaptap. Then, biglang maiiwan ko yung sapatos ko. O di ba? Parang
Cinderella lang ang peg. Pwede ring yung nakasakay kami sa isang bangka habang tumitingin sa mga bituin.

Sa sumunod naman na pahina yung mga pictures namin ni Ash. Ang cute naming dalawa. Sana hindi na lang kami tumanda. Sa katunayan naging best friend ko siya kasi sinagip ko lang naman yung buhay niya.

~ Flashback ~

Summer

Kasama ng pamilya namin yung pamilya nila na nagbakasyon sa isang resort sa Palawan. Naalala ko na sobrang busy akong tumitingin sa reflection ko sa salamin. Suot ko pa yung high-heels shoes ng mimi ko. Mahilig kasi akong magpaganda. Mahilig akong mag-imagine ng isa akong princesa. Kaso nga lang umepal yung sigaw ni Ash. Pagtingin ko sa may dagat.
    

           Ayun, nalulunod na. Napilitan tuloy ako na lumabas ng cottage namin ng nakahigh heels. Wala na kasi akong time na kumuha pa ng ibang tsinelas. So ayun, at nailigtas ko siya.

~ End of Flashback ~

Magaling akong swimmer. Nanalo ako ng isang competition.  Tanda ng friendship namin yung sing-sing na binigay niya sakin. Dahil hindi na kasya sa daliri ko, ginawa ko na lang yun ng pendant na palagi ko namang sinusuot.

Yung ibang pages memories lang namin. Natutuwa talaga ako sa mga naiimagine ko
noong bata pa ako kung gaano ako kabaliw.

Prinint ko na yung picture na napili kong idikit dito. At syempre, after nun
kumuha ako ng glue at dinikit ko. Kaso parang kulang yung mga picture na ididikit ko sana. Kinuha ko yung shoe box ko na katabi sa kinalalagyan nito. Dun nakalagay yung mga ibang bagay na mahalaga sakin. Andun nga yung isang sapatos ni mimi. Yung isa nawala na. Badtrip kasi si Ash nun. Nagpakalunod pa. Hindi ko na lang pinaalam ni mama na nawala ko yung sapatos niya.

Quiet na lang kayo. Andun din nakalagay yung ibang pictures na naiipon. Kumuha ako ng solo picture ni Syrie. Nung nahanap ko na yung picture na yun, napangiti. Dinikit ko sa tabi ng picture ko para kunware kasama namin siya nung nag-EK kami. Kahit naman anong mangyare, palagi naming kasama si  Syrie.

     Ngayon lang ako naeexcite sa pasukan. Sana dun ko na mahanap ang tunay kong prince charming. d^_^b

*~*~*~

Thank you for reading my rosies🌹

©E-rindepity

Your GlimpseWhere stories live. Discover now