Copyright © by @E-rindepity
This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.
©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.------------------------------------------------------
Chapter 25
Nagkakwentuhan pa kami ng pagkarami-rami. Naglakad-lakad pa kami dun tapos nagpicturan gamit yung DSLR ko. Then, tumambay din kami dun sa parang madamo na part tapos nag-drawing na naman siya. Ako na naman yung drinawing niya. Ganun ba talaga ako kaganda?! Joke. Haha. Pero promise, sobrang galing niyang magdrawing.
Ang linis nung mga sketches tapos yung pagkakakulay niya eh, kuhang-kuha yung complexion ko. Feeling ko nga mas maganda pa yung mukha sa drawing kesa sa totoong mukha ko eh! Haha.
Halos 7 pm na din kaming nakauwi nun. Nag-commute lang kami. Tutal naman parehas kami ng subdivision, hinatid niya ulit ako sa bahay namin. Grabe, hindi matanggal sa mukha ko yung ngite na dulot ng mga pangyayare ngayong sabado. okay lang naman kay mama na sumama ako kay Kuya Danniel dahil kaibigan at kliyente naman niya yung daddy ni kuya Danniel. hanggang ngayon nga eh wala pa din kaming alam ni mama kung bakit gustong madaliin nung Mommy ni kuya Danniel yung bahay.
As of now, ginagawa na nga agad eh. Grabe, gusto na nga daw agad matapos bago ang graduation ng anak niya. kamusta naman yun?! Hahaha. Sobra naman ata. Kaya nga full-force nga yung mga tao eh. Feeling ko matatapos siya sa sobrang daming kamay na nagtratrabaho. Wew. Sila na mayaman.
Tumaas naman ako dun sa kwarto ko. Binuksan ko agad yung computer para magprint ng pictures namin ni Kuya Danniel. Alam niyo naman ako, kapag may masayang memory, linalagay ko kaagad dun sa notebook ko. Ang dami na talagang laman nun. Puro masasayang memories.
Nagshower muna ako tapos nagpalit na din ng damit. 8 pm na rin ngayon ngnapagpasyahan ko na buksan yung pintuan ko. Tumawid ako dun sa bridge then kumatok ako dun sa pintuan ni Ash. Binuksan naman niya agad, ginamit ko yung opportunity na yun para sumilip dun sa kwarto niya na neAsh ko pa napapasukan.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong pagsaraan ng pintuan. Medyo nainis nga ako nun pero after a few seconds lang naman, binuksan niya agad yung pinto tapos parang split second lang yung naging pagitan ng lumabas siya mula sa kwarto niya. parang meron siyang tinatago dun sa loob ng kwarto niya na hindi niya sakin pinapaalam.
"bakit ba parang may halimaw kang tinatago dyan sa loob ng kwarto mo?!" pangaasar ko namang tinanong sa kanya.
"bakit ba?! tsaka saan ka galing?!" tanong niya na parang siya ang tatay ko. Haha.
"sa SM.. nagpunta kami dun ni kuya Danniel..." pinatong ko nun yung kamay ko dun
sa hawakan nung bridge. tumabi naman sakin nun si Ash.
"Oh? anong ginawa niyo dun?" napatingin ako sa kanya. naghahanap ako ng sign kung nagseselos ba siya o hindi.
"uh... wala naman... nagstarbucks kami... nagpicturan... drinawing niya ako... tapos tumambay lang kami dun..." napatingin naman ako dun sa kamay ni Ash na kanina ko pa napapansin na parang kinukutkot yung daliri niya. Yung tipong hindi siya mapakali.
"aahh. okay.." yun lang naman ang sinabi niya. Gusto ko ngang i-open sa kanya yung
pag-amin niya sakin. Joker kasi siya diba? Malay ko ba kung nagjojoke siya o hinde?! baka naman kasi joke lang yun diba?! Ako lang 'tong tanga na naniwala at nagpauto sa kanya. siguro mas mabuti na ding di ko siya tanungin. mananahimik na lang ako. tama, yun ang tamang gawain. Haha.

YOU ARE READING
Your Glimpse
Teen FictionAishera Sirius Ramirez is her name. The girl with a perfectly imperfect life kung maituturing niya. A nobody that has a famous boy best friend. Love and adore by everybody. A story about Best friends. Love. Friendship. Sacrifices. Sa lahat ng baga...