Copyright © by @E-rindepity
This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.
©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.------------------------------------------------------
Chapter 28
"he's dying..."
iyan ang mga katagang nagpahina sa akin..
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Dun ko narealize na hindi ko pa nga talaga kilala si Kuya Danniel... pero bakit hindi niya sakin sinabi yun?? hindi ba ako mapagkakatiwalaan?? napapaisip na naman ako eh.
Lalong sumasakit yung ulo ko.Syempre, pinasakay na kami ng mga teachers sa respective buses namin.
Tinanong ko yung adviser nila kuya Danniel kung nasaan siya. Lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko nung nalaman ko na linagay na siya sa ospital. Grabe, sobrang tahimik ko nun nung pauwina kami. Nag-alala na naman ako kay Ate Kim. Ano na kayang ginagawa niya dun sa bus? Umiiyak pa din kaya siya??
Nakipagpalit ako ng pwesto nun kay Gigi... Mas gusto ko dun sa bintana... para makakita naman ako ng nature... baka mapagaan pa ang loob ko.
Napatingin ako kay Ash, kinakabahan din kaya siya katulad ko?? alam kaya niya??
Traffic . Hindi naging madali sakin na pigilan yung mga luha ko habang nagsisink-in sa utak ko yung mga posibleng mangyare kay kuya Danniel. Hindi naman sa gusto ko siya... kaibigan ko lang siya... sino namang tao sa mundo ang gustong mawalan ng kaibigan diba??
Binaba kami dun sa school namin. Magkakasabay kami nila Gigi, Ash, Gian, Nathan at Joshua sa pag-uwi. Dapat isasabay na rin namin si Ate Kim pero sabi niya pupuntahan pa daw niya si Kuya Danniel dun sa ospital na pinaglagyan niya.Siguro mahal na mahal talaga ni Ate Kim si kuya Danniel. Naguilty na naman ako. Naisipan ko na rin kung bukas kaya eh bumisita ako kay kuya Danniel kahit saglit lang...
Ang tahimik ko buong byahe namin papunta sa mga bahay namin... Out of words pa din ako eh... feeling ko hindi ako makakatulog. Hindi rin naman nagtagal ng nakauwi na din ako sa bahay namin. Kwinento ko kay mama ang lahat. Iyak nga ako ng Iyak. Dun niya lang rin naintindihan kung bakit nila minamadali yung bahay. Mahal na mahal din ng Mommy ni kuya Danniel yung anak niya. Tingnan mo? sa mga huling sandali ng anak niya... itra-try niya na ibigay lahat ng gusto ni Kuya Danniel, para lang maging masaya siya.
Pumunta na ako sa kwarto ko nun. nagshower at nagpalit ng damit. napahiga ako dun sa kama ko. napatitig ako dun sa ceiling. nafeel ko nun yung pagtibok ng puso ko. Naiisip ko. Paano kaya tumibok ang puso ni kuya Danniel?? mahirap ba yun?? masakit ba yun??
Tumayo ako at napagpasyahan ko na buksan yung pintuan. Medyo nagulat ako ng makita ko si Ash na nasa labas din nung kwarto niya at nakatambay lang siya dun sa bridge. Tinabihan ko siya at bumuntong-hininga. Siguro, alam niya na rin no?
"okay ka lang?" tanong naman niya sakin na may halong pag-aalala...
"syempre naman... wala naman akong sakit..." naluluha ako. Kahit na kasi sa maiksing
panahon ko lang nakilala si kuya Danniel, naging malaking parte na rin siya ng buhay ko."gusto mo bang bumisita sa kanya bukas?" naKezingin ako sa kanya.
"oo naman..." sagot ko. Nakita ko siyang ngumite. Hindi ko alam kung bakit.

YOU ARE READING
Your Glimpse
Genç KurguAishera Sirius Ramirez is her name. The girl with a perfectly imperfect life kung maituturing niya. A nobody that has a famous boy best friend. Love and adore by everybody. A story about Best friends. Love. Friendship. Sacrifices. Sa lahat ng baga...