Copyright © by @E-rindepity
This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.
©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.------------------------------------------------------
Chapter 21
Thursday. Pagbangon ko pa mula sa kama ko, ang laki-laki na ng ngite ko.
Kahit hanggang pagkain ko ng almusal, sobrang hyper ako. Daig ko pa ang nag-Enervon.
Hahaha.
"Magandang Buhay Ramirez Crewww!!!!!" sabi ko habang paupo ako sa may upuan ng dining area.
"Hindi pa tayo nakakain pero mukhang may nakain ka na ate..." sabi sakin ni Dana
"Oo nga ate! ang blooming mo ngayon! Ano bang meron?!" tanong naman sakin ni Phoebe . Tinawanan ko lang sila. Haha.
"Masama bang maging masaya ngayon?" yun ang sagot ko sa kanila na tila isang tanong pa din para sa kanila. Nagpatuloy kami sa pagkain ng sandwich na ginawa saamin ni mimi. Namiss namin si mimi. Grabe kaming nagtiis sa mga epic fail na luto ni papa. Hahaha. Joke!
Kasabay kong pumasok yung mga kapatid ko. Ayos naman. Sobrang saya ko pa din dahil mas lalo akong naexcite sa birthday ko. Okay lang na kahit wala si Kuya Danniel. Yung regalo niya pa lang, petmalu na. Hahaha.
Pumasok na kami sa school. Nung recess, nilapitan ni Kuya Danniel yung table na pinagkakainan namin ni Gigi. Medyo nabigla kami ni Gigi.
"Nakita mo na yung gift ko sayo?" tanong niya sakin na may halong ngite.
"Oo kuya. Super thank you! Nakakatuwa yung gift mo! Hindi ko akalain na se-seriousuhin mo seriously yung joke ko!" sabi ko sa kanya.
"Sus bikx?! Malakas ka kaya kay Kuya Danniel?!" pang-aasar ni Gigi.
"Oo naman. Buti natuwa ka..." Haaaay. Ibang klase talaga si Kuya Danniel. Hindi mo alam kung panaginip ba lahat ng 'tong nangyayare sakin. Parang kasing imposible. Alam kong mayaman siya pero hindi ko inexpect na ganito siya ka-spoiled at pinayagan siya ng tatay niya na ipangalan yung desinged pencil niya sakin. Ang sweet eh. Hahahaha.
"Sobra.." sagot ko naman sa kanya.
"Sige. Balik na ako sa table ko. Bye!" sabi niya sakin. Tinanguan ko lang siya then lumayo na siya sa table namin. Umupo siya sa dati pa rin niyang inuupuan sa canteen namin. Nagkakangitian pa kami. At sobrang tumatalon ang puso ko sa kakiligan.
Then, dumating na din ang araw na pinakahihintay ko...
October 10.Friday
Birthday ko na. 17 years old na ako. Never pang nagkaka-bf. Never pang umaamin ng feelings sa isang tao na dati pa niya gusto. Pero wag balewalain, may first kiss na. Meron pang pencil na nakapangalan sa akin. Bonggaaaa. Hahahaha.
Plano naming lahat na magparty-party sa bahay namin after class. . Half day lang kami gawa kailangan namin maghanda sa Camping activity namin bukas. Grabe, magkasunod pa talaga eh no?! bongga. So yun, tinipon ko lahat ng mga kasama sa tapat ng gate sa school namin. Sobrang dami namin. Ako, si Ash (syempre, di mawawala yun), si Gigi (lalong di mawawala), Joshua, Gian, Nathan, Ate Kim, tatlong friends ni Ate Kim (mukhang popormahan 'to nila Joshua), apat na cheerdancers at pitong mga estudyanteng kasali sa basketball varsity. Wala si Kuya Danniel at hindi ko pa din alam kung ano yung dahilan. Well, malalaman ko din yun soon. Sobrang saya. Sakop namin ang buong jeep sa pagpuntang bahay namin. Hahaha. Party-party na talaga 'to!!
YOU ARE READING
Your Glimpse
JugendliteraturAishera Sirius Ramirez is her name. The girl with a perfectly imperfect life kung maituturing niya. A nobody that has a famous boy best friend. Love and adore by everybody. A story about Best friends. Love. Friendship. Sacrifices. Sa lahat ng baga...