©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.Chapter 3
Puro orientation lang ang mga nangyayari sa first day. Nakilala na din namin yung mga bagong teachers na katatakutan namin.
Nagkaroon din kami ng bagong seating arrangement. Sa kasamaang palad, napalayo ako kay Gigi. Ang pangit pa ng katabi ko. Charot!
Excited ako mag-lunch dahil kasabay namin ang grade12 year sa mga oras na ito. Grade 11 ako. Senior siya. Mapapansin kaya niya ang katulad ko? Mas marami
namang magaganda dyan sa tabi-tabi.Medyo nawawalan ako ng pag-asa. Kahit wala naman talagang pag-asa.
Natanaw ko siya. Triny ko yung best ko na magpapansin sa kanya ng pasimple.
Tulad na lang ng pagtabi sa kanya habang nakapila sa bilihan ng canteen. Pero hindi
effective. Hay nako naman.Tapos na kaming bumili ni Gigi ng pagkain. Kaya ngayon, naghahanap kami nang aming mauupuan.
Punuan sa canteen kaya walang bakante. Ayaw naman naming makiupo sa mga nerd mula sa first sections. Mapagkamalan pa kaming mga geeks.Ayaw din namin sa mga emong tao dun sa dulo. Grabe, parang nababalutan sila ng
kung ano mang itim na enerhiya.Ayaw din naman namin sa long table ng pinagsamang pwersa ng Basketball Varsity at Cheerdance Varsity Squad. Punong-puno ng mga malalandi at mayayabang na tao. Katulad din sa aking magiting na best frienemy na si Ash na kasalukuyang nakaupo dun.
Miyembro kasi siya ng Basketball Varsity dito sa school. Naaninag kami ni Ashley kaya kinawayan niya kami. Pinahayag niya samin na dun kami umupo sa long table. Which is ang malas para sakin.
Siguro kay Gigi, ayos lang dahil mga kakilala niya din mga tao dun. Eh ako? Wala. Tepok. Ramdam ko na ang pagiging out-of-place ko sa grupong yun.
Agad napansin ni Gigi kaya napilitan na lamang kaming uupo. Disregard na natin si Gigi,sige ako na lang.
Napilitan ako na umupo kasama yung mga ugok na tao katulad nila. Kung anu-ano
pinag-uusapan nila.Mga non-sense. Pinaguusapan lang naman nila yung SHS Ball sa Biyernes. Naeexcite sila dahil muling ibabalik ng school yung SHS Ball. Masaya sila malamang oras yun para makahanap ng syota o kalandian. Yan naman ang mga gusto nila. Badtrip.
Nakita ko si Kuya Danniel na dumaan namay kasamang tatlong lalaki. Mga gwapo din pero lutang na lutang pa rin yung itsura niya. Naka-reading glasses siya. Tapos hawak niya ang isang tinidor gamit ang kanang kamay habang ang mga mata niya ay pokus na pokus sa isang libro, naseryosong nagbabasa. Ang cute niya. Kyeopta!!
Dun naman sa gilid niya, may nakita akong bola ng volleyball at isang pares ng sapatos.
Wow
Matalino na nga. Marunong pang mag-volleyball. Siguro, naglalaro nga siya. Wala lang akong napapanood sa mga laro niya. Seriously, hindi naman ako active sa panunuod at pakikisali ng mga party, o kung ano mang programang ginagawa ng school. Hindi ko alam kung bakit.
Siguro ngayon, mag babagong buhay na ako."Hoy Aish tulala ka na naman dyan." Muli along nagkamalay dahil sa ashungot. Bwiset 'tong siya. Kahit Hindi naman.
"Ang tahimik mo dyan ah. Narealize mo na ba na may gusto ka na sa akin?" Nagtawanan naman ang mga kasamahan niya.
"Hoy Ashungot! Nakakatuwa naman yang joke mo. Ha ha ha" sarcastic na tugon ko.
Isabay mo pa ang pang-iirap, taob si Ashley."Ang sungit talaga. Sige ka, tatanda kang dalaga niyan" Nagtawanan na naman sila.

YOU ARE READING
Your Glimpse
Novela JuvenilAishera Sirius Ramirez is her name. The girl with a perfectly imperfect life kung maituturing niya. A nobody that has a famous boy best friend. Love and adore by everybody. A story about Best friends. Love. Friendship. Sacrifices. Sa lahat ng baga...